Nadine, kinakaladkad sa mga isyu ni James

Nadine
STAR/ File

Katawa naman ‘yung issue kay James Reid. ‘Yung date niya sa kapatid ni Yassi Presman na si Issa at ‘yung patuloy na paggamit sa pangalan ni Nadine Lustre.

Tapos na ang relasyon nina James at Nadine, kaya hindi na dapat isinasabit pa ang pangalan nila sa isa’t isa.

Wala na silang pakialam kung ano pa ang ginagawa ng isa. No more keber kung sino at ano dahil waley na. Kaya naman kung makatagpo sila ng tao na mamahalin nila, mas ok dahil pareho namang dapat nilang makita ang happiness.

Bata pa sina James at Nadine at malayo pa ang lalakbayin ng kanilang mga buhay. Kailangan naman siguro na habang mga bata pa sila, maging maligaya sila, matagpuan ang tamang partner sa kanilang journey. Be happy, mas maganda iyon kesa sad, ‘di ba.

Sunday Mass, kapuri-puri sa Jeepney Channel

Gusto kong purihin ang Jeepney Channel ng ABS-CBN, ha. Talagang hanggang ngayon meron silang Mass every Sunday sa chapel nila sa loob ng dating studio ng ABS-CBN.

Talagang kahit nawalan ng franchise, at malaking bagay rin ‘yung airtime para sa Catholic mass every Sunday, tuloy pa rin ito para sa mga hindi makapunta sa simbahan physically.

Kaya naman kapuri-puri dahil kahit puwede mong gamitin sa commercial show, iniisip pa rin nila ang spiritual commitment ng viewers nila.

For that talagang malaking thank you sa ma­nagement ng istasyon na patuloy itong ginagawa. Salute.

Show comments