Marian, nangongolekta ulit ng Hermes; magiging co-prod ng kanilang MMFF movie!

Marian Rivera

Parang nag-uumpisa ulit mag-collect ng Hermes bag si Marian Rivera.

Dalawang magkasunod na Birkin bag ang ipinost niya sa social media accounts niya, appreciation post para sa mga seller na nag-source ng nasabing bag na mga limitid edition.

Dati nang may mga Hermes si Marian pero mukhang nagbabago siya ng collection.

Lately ay pulos pang-’madam’ ang post ni Yanyan.

Lalo na nga at ang circle of friends niya raw ngayon ay hindi na masyadong showbiz.

Mga member ng high society kaya nagiging visible siya sa mga lifestyle event.

Samantala, nag-shoutout si Dingdong Dantes sa kanilang fans club na DongYanatics.

Sila ang talagang masisipag at active sa social media na fans ng mag-asawa.

‘Pag may nag-post about them, ayan na agad sila para mag-repost o mag-like.

Kaya suwerte sina Marian at Dingdong na may ganun silang kasipag na fans.

Sa shoutout ng actor, 15 years na pala sila.

“This year marks the 15th anniversary of @thedongyanatics!

“We can hardly believe it’s been 15 years since we first met this amazing group. They’ve been with us through thick and thin, and have seen us grow from a loveteam in MariMar to a married couple with kids.

“But more than that, they’ve become our dear friends and confidants, who’ve supported us not just on screen but in our personal lives as well. We’re truly blessed to have them in our lives.

“So on this special occasion, we want to give a shoutout to all the members— past and present— who’ve made DongYanatics what it is today. Your love and loyalty mean the world to us,” post ng actor na may gagawin palang teleserye sa GMA 7.

Anyway, ang sabi magso-shooting na rin sila ni Marian ng movie for Metro Manila Film Festival.

Nauna na itong nabanggit noon ng kampo ni Marian na malamang daw ay maging co-producer din ang mag-asawa.

Light comedy ang iniisip nila noong story na mas bagay sa mag-asawa.

Mas bongga pa ‘yung kung isasama nila ang mga anak na sina Zia and Sixto.

Show comments