PSN, protektado ang kredibilidad

Mam Betty

Tiyak na proud ang PSN (Pilipino Star NGAYON) na this year ay 37 years na silang binabasa ng mga tao.

Talagang iba ‘pag ang mga Belmonte ang namahala ng isang newspaper dahil ito ang talagang love ni Ma’am Betty Go Belmonte na mother ni Papa Miguel at Mayor Joy.

Sa newspaper talaga ang buhay ni dating Betty Belmonte dahil kahit na noong lumalaki pa lamang ang family nila ni Cong. Sonny Belmonte, talagang tutok siya sa management ng Star Group of Companies. Napaka-fair na journalist at boss ni Betty Belmonte kaya naman nag-stay nang matagal ang lahat ng writers at staff ng kanyang publication.

Tingnan mo nga ang PSN, 37 long years na this year at going strong pa rin.

Talagang ‘pag nasa PSN ka, very proud ka dahil walang question ang credibility at fairness ng diyaryo. Isang bagay na talagang ipagmamalaki mo ay ‘yung ‘pag writer ka ng PSN alam mo na hindi puwedeng i-question ang credibility mo. Dahil alam ng lahat, all is fair sa pagsusulat mo.

Na lahat ng mababasa mo sa PSN totoo at walang halong intriga.

Imagine 37 years and counting. Meron ka pang laban niyan, wala na, may nanalo na, ang PSN, palakpakan tayo dahil bongga.

‘Liza, ilusyonada!’

Siguro naman naging aral sa mga star na ingatan at mag-isip muna bago magsalita gaya ng ginawa ni Liza Hope Soberano. Wala namang reason para mag-rant o magsalita siya, tapos para pang utang na loob natin na pumasok siya sa showbiz.

Bongga siya ha, ilusyonada talaga. Sana nga sumikat siya at maging super mega star of all season para magkaroon siya ng clear mind sa mga nagaganap sa buhay niya.

Show comments