Ate Vi, mangiyak-ngiyak nang naalala ang pagkatalo ni Ralph

Vilma Santos

Emosyonal na inalala ni Vilma Santos ang pagkatalo ng asawang si Ralph Recto sa 2007 election. Matatandaang hindi pinalad na manalo sa pagka-Senador noon ang asawa ng aktres.

Nagtapos noong isang taon ang ikatlong termino ni Ralph sa Senado at ngayon at nasa Kongreso bilang Representative ng 6th District ng Batangas. “He was my mentor and when he lost tapos ako mina-mob, nabalewala ‘yung asawa ko. Instead of being happy, I felt bad. But the good thing, God is so good kasi ‘yung sumunod na election, he won again because he deserves it. Talagang dapat lang dahil alam ko ‘yung sincerity ni Ralph to serve the people at ‘yung intelligence niya. Siya ‘pag hindi nagamit dahil sa kanyang magagandang plano para sa mga Pilipino,” pagbabahagi ni Vilma.

Bilang isang pulitiko ay naging matagumpay naman ang aktres.

Para kay Ate Vi ay talagang masarap sa pakiramdam na nakapaglingkod siya nang marangal para sa mga kababayan. Nagpasya ang actress-politician na hindi na muling sumabak pa sa pulitika dahil sa naging epekto ng pagkakaroon ng pandemya sa bansa. “As a public servant, when I became a mayor, nag-aral. Doon ko nalaman ‘yung fulfillment na nagtatrabaho ako, direkta sa tao, nakakatulong ako. Nagpapasalamat sa inyo, walang camera, reality. Doon ko naramdaman ‘yung fulfillment of being a public servant na meron po pala akong kayang gawin. Imagine, nakakatulong ako, nakapagpagawa ako ng school and everything, kalye, lahat. Hindi ko pera ‘yon, buwis ng tao ‘yon. ‘Yon ang sinasabi ko sa kanila. Mabuting malinaw ang usapan natin. We will work, partners tayo, partnership,” paglalahad ng Star for All Seasons.

Cesar, wish na makatuluyan ni Sunshine si Macky!

Noong isang taon ay naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Tumagal ng anim na taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Nanumbalik naman ang maayos na turingan nina Sunshine at Cesar Montano sa isa’t isa. Ilang taon ding naputol ang komunikasyon noon sa pagitan ng dating mag-asawa. Umaasa umano ang aktor na magkakabalikan pa sina Sunshine at Macky. “Advice ko sa kanya, sana si Macky na. Ang bait-bait nung tao, ang gwapo-gwapo pa, na-meet ko eh. Sana sila na (ang magkatuluyan),” nakangiting pahayag ni Cesar.

Ayon sa aktor ay wala naman na siya sa posisyon upang magdesisyon para kay Sunshine. Si Kath Angeles ang karelasyon ngayon ni Cesar at maayos din ang pakikitungo ni Sunshine dito. “Wala na akong kinalaman diyan, buhay niya ‘yan eh. But my prayer for them, of course is maging maayos,” giit niya.

Tatlong babae ang naging anak nina Cesar at Sunshine. Kahit nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ng ilang taon ay maayos nang muli ang relasyon ng aktor sa mga anak at dating asawa. “Of course, I thank God for it. It’s everybody’s prayer na maayos ang isang pamilya. Marami tayong kaibigan na nagpe-pray for us. Ako wala ngang effort eh. Prayer lang ‘yon, constant prayers lang. Hindi lang ako, pati mga kaibigan namin,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

Show comments