^

PSN Showbiz

Anim na dekada ni Ate Vi, ‘di kinaya ng isang gabi

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anim na dekada ni Ate Vi, �di kinaya ng isang gabi
Vilma
STAR/ File

Nagbalik ang nag-iisang Star for All Seasons Vilma Santos sa ABS-CBN sa pagdiriwang niya ng ika-60 anibersaryo sa industriya sa two-part special na Anim na Dekada Nag-Iisang Vilma na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z  na ang first part at napanood kahapon at ngayong Linggo (Feb.19).

“Nandito ang puso ko. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa estasyong ito. Alam na nito ang buong buhay ko. Ang ABS-CBN, pamilya na. Parte na ito ng buhay ko for 60 years. For 60 years, kasama ko ang ABS-CBN,” paliwanag ni Vilma sa isang TV Patrol interview kung bakit sa ABS-CBN niyang pinili na ipalabas ang kanyang anniversary special.

Kasama ang King of Talk Boy Abunda, nag-umpisang balikan ni Vilma ang kanyang mga unang taon bilang aktres at ilan sa mga tumatak niyang roles kasama ang pagbida bilang Trudis Liit noong 1963.

Makakasama rin niya sa selebrasyon sina Christopher de Leon, Claudine Barretto, at ang kanyang matapat na grupo ng Vilmanians na magkukuwento rin ng ilang hindi malilimutang karanasan nila kasama ang aktres.

Bukod dito, mas nakikilala pa ng manonood sa Vilma sa ilang interviews ng kanyang naging leading man, direktor pati na ang iba pa niyang kaibigan.

Ibabahagi rin ni Vilma ang kanyang buhay ngayon bilang isang pulitiko pati na rin ang iba niyang pinagkakaabalahan tulad ng vlogging.

Mapapanood din ang delayed telecast nito sa TV5 ng 10:30 p.m. at available rin ito on demand sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with