^

PSN Showbiz

Mas gustong magtrabaho Cherry Pie, ‘di si Edu ang ka-Valentine!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mas gustong magtrabaho Cherry Pie, �di si Edu ang ka-Valentine!
Cherry Pie Picache

Iniiwasan na talaga ni Cherry Pie Picache na pag-usapan ang lovelife niya.

Kahit iniikut-ikot namin ang usapan nang nakatsikahan namin sa nakaraang media­con ng pelikula niyang Oras de Peligro, tumatawa na lang siya kapag napunta na sa relasyon nila ni Edu Manzano.

Wala raw silang selebrasyon ngayong Valentine’s Day dahil may trabaho siya. Taping day ‘yun sa teleserye nilang FPJ’s Batang Quiapo.

Kahit kagabi ay wala ring time na lumabas sila dahil kasama ng premyadong aktres si Coco Martin at ang buong cast ng Batang Quiapo sa Plaza Miranda.

Doon nila panonoorin ang pilot episode ng bagong teleserye ni Coco.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus ngayon sa trabaho, dahil ngayon lang daw siya nakabalik sa trabaho.

Napahagalpak na lang siya sa tawa nang tinanong ko sa kanya kung wala naman sa oras de peligro ang lovelife niya.

“One year din akong walang work, kasi nag-lovelife ‘di ba?” napangiting pakli ni Cherry Pie.

Kaya hindi naman daw nila pinag-uusapan kung ano man ang plano nila sa future.

“Hindi ko naiisip ngayon ‘yun e. Kasi, ‘yun nga, puro trabaho. Kasi, isang taon din na walang trabaho. My last project was Marry Me, Marry You.

“So, I really like to work… parang, pati mortality natin ‘di ba? You can’t say… 20 years old pa lang ang anak ko. So, I’m enjoying work now.”

Kaya nung kinulit uli naman ng plano nila sa Valentine’s Day, “Sa trabaho ako. But of course, we can celebrate love everyday and we celebrate love everyday,” safe na sagot ng aktres.

Samantala, mainit ding pinag-usapan sa mediacon ng Oras de Peligro ang isyu nina Direk Darryl Yap at Direk Joel Lamangan.

Basta, para kay Cherry Pie, pinanindigan niya ang stand niya para sa ating bayan.

Wala raw siyang galit kay Direk Darryl Yap, kahit diretso ang sagot niyang ayaw niyang gumawa ng pelikula kung ito ang magdidirek.

Tinanong siya kung bakit, diretso ang sagot niyang, “Ewan ko. May konsensya pa ba sya?”

“Walang personalan, it’s just that… ‘yun lang.

“I’m just making a stand ‘di ba? Parang ano ba? ‘Yun lang!

“I mean, it’s his work. So, ‘yun nga, we’re in a democratic country. Whatever expression you wanna do, however you wanna use it, ‘yun lang. ‘Yun lang ang tinatanong ko.

“Actually, tanong ‘yun e. May konsensya ka ba?” sabi pa ni Cherry Pie Picache.

Sa March 1 na ang showing ng Oras de Peligro na tinapatan ng pelikulang ito ni direk Darryl Yap.

Mga guesting ni Bea, semplang sa rating

Nung bago matapos ang Start-Up Ph, may naririnig na kaming balitang meron na raw kasunod na project para kay Bea Alonzo.

Ang pagkakaintindi namin isang pang-GMA Telebabad uli. Pero baka ito na ngang gagawin niya kasama si Dennis Trillo na collaboration ng GMA 7 at Viu.

Wala pang malinaw na balita kung ipalalabas din ito sa primetime.

Kaya lang, medyo nakakatakot pa dahil wala pa talagang nag-rate na programa si Bea, kahit sa guestings niya sa ilang programa sa Kapuso network.

Kung ieere ito sa primetime, nakakatakot na baka sumemplang na naman kagaya ng nangyari sa Start-Up nila ni Alden Richards.

Baka madamay pa si Dennis Trillo na maganda pa naman ang resulta sa rating ng Maria Clara at Ibarra.

Nakita kasi namin ang rating ng Amazing Earth nung nakaraang Linggo, Feb. 12 biglang bumaba ito sa 10.9 percent.

Consistent na mataas ang rating ng infotainment show na ito ni Dingdong Dantes lalo nung nalipat ito ng timeslot ng Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend. Ngayon lang bumaba ng below 11 percent.

Pagkatapos ng Amazing Earth ay sumunod ang Pepito Manaloto na 13 percent  at 4.8 percent ang Everybody Sing.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with