^

PSN Showbiz

Jennica, ayaw pag-usapan ang dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennica, ayaw pag-usapan ang dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn
Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Magdadalawang taon na ang nakalilipas mula nang magkahiwalay sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Matatandaang nagpakasal sina Alwyn at Jennica noong 2014 at nabiyayaan ng dalawang anak. “I don’t think darating ‘yung araw na magiging bukas ako para pag-usapan kung bakit ito natapos. Out of my respect na rin kay Alwyn and his family. More importantly siyempre ‘yung parents niya. Ayaw ko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kina Mama Liza, ‘yung mommy ni Alwyn. Ayaw kong dumating ‘yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi akong hindi maganda patungkol sa anak niya. Dahil natapos man ang marriage namin, hindi naman sila kasama roon. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn,” makahulugang pahayag ni Jennica.

Hindi raw talaga nagsalita ang aktres tungkol sa kanilang hiwalayan ni Alwyn upang hindi na ito mapag-usapan at lumaki pa ang isyu. “Para hindi na siya mapag-usapan ulit. Kasi gusto ko na rin talaga moving forward, ‘wag na lang siyang pag-usapan pa. Kasi hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon. Since we’re no longer romantically linked to each other,” giit pa ng aktres.

Gigi, hinangaan

Sa Feb. 14 ay magkakaroon ng Valentine’s concert si Roselle Nava. Magiging espesyal na panauhin ng singer sa All Heart sina Wency Cornejo, Ito Rapadas at Raymond Lauchengco. Matagal na raw hinahanap-hanap ni Roselle ang pagkanta sa publiko kaya naisipan niyang magkaroong muli ng show.

“Pinag-isipan ko nga ng maraming-maraming beses kung tatanggapin ko ang show na ito. Si­guro it’s a sign for me to go back into something that I really love to be which is singing. I hope to do more shows in the future this year. Sana ma­kagawa ako ng maraming concerts, maraming mga shows and most of all, to do other songs,” bungad ni Roselle.

Kahit matagal nang hindi aktibo sa music industry ay sikat na sikat pa rin sa mga singing competition at karaoke ang mga kanta ng singer. Si Roselle ang unang nagpasikat ng kantang Bakit Nga Ba Mahal Kita. “So blessed kasi to be able to touch them that way na parang hanggang ngayon, my music still continues to live on. Sobra akong fortunate and thankful that God gave me a chance to be able to share my talent, my music hindi lang noong time na active ako but until now, natutuwa ako,” paglalahad ng niya.

Samantala, sumikat nang husto si Gigi de Lana nang kantahin ang Bakit Nga Ba Mahal Kita na ngayon ay mayroon ng 12 million views sa YouTube. Ayon kay Roselle ay talagang napahanga siya sa talento ng dalaga kahit noon pa man. “Nagulat ako kasi mataas na ‘yung kanta pero pinahirap pa niya, ang galing. Even before she sang that song, ito ah, walang showbiz, noong narinig ko siya, nagalingan ako sa kanya. Pinanood ko siya sa YouTube. Sabi ko nga, ‘Ang galing naman ng artist na ‘to.’ And then nagulat ako kasi ‘yung mga bata ngayon nalaman ‘yung kanta ko through her. And I am happy na nabigyan niya ng buhay ulit ang aking kanta. I am hoping that there will be a chance to meet each other and to be able to sing that song. Kasi ‘yung versions namin medyo magkaiba. Pero madadama mo pa rin ‘yung sakit and binigyan niya ng ibang kulay ‘yung song na iyon. And I’m happy that she was able to do that,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

JENNICA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with