^

PSN Showbiz

Vice, ‘di pa rin kinukumpisal ang matinding pinagdaanan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Vice, �di pa rin kinukumpisal ang matinding pinagdaanan!
Vice Ganda at Ion Perez

Alam mo, Ateng Salve, kahit aminado si Vice Ganda na “sablay” siya minsan at may mga nagre-react nga dahil nakaka-”hurt” siya, marami rin naman ang pumupuri sa Unkabogable Star.

Noong nag-Tokyo, Japan kami, nakilala namin ang businessman na si Kawashima Shacho o Papa Panjie kung tawagin ng mga kaki­lala niya. Marami palang mga kakilalang Filipino celebrities si Papa Panjie at nakakasama niya ang mga ito kapag nagbabakasyon sa kanilang lugar.

Nakasama naming mag-dinner si Papa Panjie dahil ipinakilala siya sa amin nina Polo ­Ravales at Direk Donie Ray Ordiales (direktor ng international movie ni Carlo Aquino na Hunt). Ang sayang kachikahan nito at puring-puri niya ang komedyante.

Naikuwento nga sa amin ni Papa Panjie na balak daw ni Vice na magbakasyon sa Tokyo sa March. Malamang daw na kasama rin nito ang mister na si Ion Perez.

Puro papuri kay Vice ang mga ikinuwento sa amin ni Papa Panjie, kaya nakaka-feel good naman.

Anyway, may isang kaibigan naman ang nagtanong sa amin kung kailan daw kaya ise-share ni Vice sa publiko ang mabigat na pinagdaanan niya last year? Hanggang ngayon kasi ay tahimik pa rin ang It’s Showtime host tungkol doon kaya nga pinagkamalan pa noon na problematic siya sa relasyon nila ni Ion kahit wala namang katotohanan ‘yon.

Naku, Ateng Salve, once na mag-open up na si Vice sa publiko tungkol sa bagay na ‘yon ay tiyak na marami ang madudurog ang puso!

Ogie, absent sa solo ni Regine

Sa Feb.15 na pala ang alis ni Ogie Alcasid pa-Switzerland para sa KilaboTitos shows nila ni Ian Veneracion sa Geneva at Zurich.

Ang shows na ‘yon sa Europe ang dahilan kaya hindi makakapanood si Ogie ng Solo concert ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati on Feb. 17, 18, 24 & 25.

“Naku, wala ako sa shows ni Wifey, huhuhu! Feb. 28 kasi ang second show namin, wala akong aabutan,” kuwento ni Ogie nang makachikahan namin kahapon.

Hindi raw sila sabay ni Ian na pupunta ng Switzerland na wala namang magiging problema sa taping nila ng The Iron Heart ang pag-alis nito pa-Europe. Tapos na ang lahat ng mga eksena ng action star-singer sa cycle na ito ng action-drama series ni Richard Gutierrez.

Kagabi nga ay nagsimula nang mapanood si Ian sa The Iron Heart at by April ay may taping pa rin daw siya para sa action-drama series ng Kapamilya Network.

Anyway, tiyak na mae-enjoy niya ang pamamasyal sa Europe dahil medyo matagal siya roon at sa March na uli mapapanood sa It’s Showtime.

‘Yun na!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with