^

PSN Showbiz

Alden, jojowain ng skincare celeb owner

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alden, jojowain ng skincare celeb owner
Glenda at Alden

Kaka-amaze pala ang backstory ng may-ari ng Brilliant Skin Essentials, Inc. na si Ms. Glenda (wala raw talagang gamit na apelyido).

Sa halagang P3,000 lang nag-umpisa ang kanyang napakalaking negosyo sa kasalukuyan na mga big star ang endorsers / ambassadors.

At ngayon ay may pa-concert sa Araneta Coliseum ang kanyang kumpanya na ang pamagat ay #pinakamakinang na gaganapin ngayong Feb. 7, 2023 sa Smart Araneta Coliseum!

Comeback concert na ito nila matapos ang ilang taon. Ang huling concert na ginawa ng kanyang kumpanya ay noong 2019, bago nag-pandemic.

Makakasama ni Ms. Glenda sa #pinakamakinang na concert sina Alden Richards, Jona, Morissette, Adie, Mayonnaise, Kamikazee, mga Drag Queens at ang Pop Rock Icon, Bamboo.

Ganundin ang Brilliant Skin ambassadors na sina Seth Fedelin, Zeinab Harake, Jillian Ward at Andrea Brillantes.

Magsisilbing host ng concert sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, mga komedyanteng sina MC at Lassy at Sam YG.

Special Guests din sa #pinakamakinang ang mga veteran broadcast journalists at TV personalities na sina Ms. Korina Sanchez at Senator Raffy Tulfo.

Bukod sa mga pasabog na performances, isang maagang pa-birthday rin daw ito para kay Ms. Glenda na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Feb. 14 (25th birthday).

Kaya kung susuwertehin, pwedeng mapanalunan ang isa sa 10 na Yamaha Mio motorcycles, o kung hindi naman, baka ikaw na ang magda-drive pauwi ng alin man sa dalawang brand new cars na ipapamigay.

Si Ms. Glenda ay dating PBB housemate at noong 2017 lang siya kumita ng millions pero ngayon ay isang malaking kumpanya na ang sinimulan niya pero ayaw raw niyang masyadong i-flaunt kung anumang meron siya.

Anyway, bet na bet ni Ms. Glenda si Alden at kung meron man siyang dream ambassador ng kanyang mga produkto, si Alden lang ‘yun.

Nag-reach out na raw siya sa kampo nito at hinihintay na lang nila ang sagot. “Pinag-uusapan pa nila.”

Bakit si Alden, “Mahal ko si Alden. Hahaha. Crush na crush ko siya, super fan ako,” aniya pa.

Actually, mukha namang super close na sila ng Kapuso actor dahil maraming post si Ms. Glenda ng photos na kasama si Alden at in all fairness bagay nga sila.

Hiwalay na sa kanyang mister si Glenda pero may isa silang anak.

Na-feature na rin sa TV5 ang kanyang life story na ginampanan ni Arci Muñoz.

Ipinakita roon ang mga pinagdaanan niyang challenges bago narating itong tagumpay.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with