^

PSN Showbiz

Willie ang daming hanash, nanghihingi ng dasal para sa kanyang programang nawala sa ere!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nasa top 20 trending sa Twitter ang #AllTV dahil sa isyung pansamantalang suspension sa tatlong programa nila, ang Wowowin, M.O.Ms at ang Toni.

Nagsalita kasi si Willie Revillame sa Wowowin na kung saan ay nakiusap siyang suportahan ang mga programa nila sa bagong istasyong pag-aari ng dating Senador Manny Villar.

Ang daming nag-share sa pagsasalita ni Willie sa kanyang programa.

Bahagi ng kanyang hanash: “May mga lumalabas kasi na ang programa sa ALLTV mawawala.

“E parang natutuwa pa kayo na mawawala na ‘yung programang nagbibigay ng saya at tulong.

“Sana hindi ganun ‘di ba? Ako naman willing lang tumulong. Sa sobrang blessed namin, huwag n’yo naman sanang ganun.

“Siyempre, you have to understand, nagsisimula pa lang po ang ALLTV. Nagsisimula pa lang kami. Sanggol pa lang ito e.

“Talagang wala pang commercial na papasok dito. Kasi wala pa kaming reach, wala pa kaming signal.”

Kaya pakiusap ni Willie sa televiewers: “Kaya nga ho sinisimulan pa lang e. Sana ho, ipagdasal n’yo kami. Sana ipagdasal n’yo kami na maging successful ‘to, at marami pang istasyon na mara­ming magawa. Marami kayong madinig na kabutihan ‘di ba?

“Set aside ‘yung pulitika, ‘di ba? Marami pa kayong dapat na malaman na katotohanan. About the frequency, kung alam n’yo lang ang totoo. Ayoko na lang hong magsalita na pangungunahan ko sila.”

Hindi maiwasang nahahaluan talaga ng pulitika ang isyung ito.

Nandiyan ang isyu ng ‘di pagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN, ang ibang Kakampinks na patuloy sa pamba-bash sa pamilya Villar, at pati si Toni Gonzaga na iniinsulto ng ibang bashers.

Hindi na lang ito pinapansin ng mga taga-ALLTV.

Nilinaw nilang hindi naman nila binitiwan ang mga artista nila.

Nandiyan pa rin sila, at pagkatapos ng assessment na gagawin, posibleng ibalik ang programa na na-reformat o baka bagong konsepto.

sikat na JAP ACTOR, nakasama ni carlo  sa pelikula

Nasa Tokyo, Japan kami nung nagsu-shoot sila Carlo Aquino para sa isang international film kasama ang kilalang Japanese actor na si Takehiro Hira.

Si Takehiro Hira ay napapanood na sa sikat na pelikula ng Japan na streaming pa rin hanggang ngayon sa Netflix, kagaya ng Snake Eyes: GI Joe Origins, Lost Girls & Love Hotels, Yasuke at marami pa.

Napansin na siya sa Hollywood at kinuha na nga ito ng CAA ng Amerika.

Mabuti at bago siya nakuha ng CAA ay na-cast na nila rito sa pelikulang pinagsamahan nila ni Carlo na may working title na Hunt.

Nag-last shooting day sila nung Jan. 30, pero nandun pa si Carlo at iba pang bahagi ng cast para magbakasyon.

Nakilala namin doon ang Filipino director nitong Hunt na si Donie Ray Ordiales.

Nakapagtapos ng kursong Film si direk Donie Ray Ordiales sa Japan at nakagawa na siya ng pelikula, at short films.

“I shot a short film sa Philippines po. Entitled Nena, starring Ian de Leon. ‘Yun po ang kauna-unahang production ko sa Philippines, para to get an experience, para to feel working with the Filipino crew, shooting siyempre in the Philippines,” pahayag ni direk Donie nang makatsikahan namin sa Japan nung nakaraang linggo.

Naisali raw niya sa ilang international filmfest itong nagawa niyang short film sa Pilipinas.

“Nanalo siya ng Best Short Film sa Japan Indies Film Festival in 2020,” pakli niya.

Ngayon ay nabuo niya itong pelikulang pinagbidahan nina Carlo at Takehiro.

Kasama rin dito si Ian de Leon at may special participation si Polo Ravales na nakatsikahan din namin doon sa Japan.

Itong pelikulang binuo ni direk Donie ay tumatalakay sa buhay ng ilang struggling actors na nagtrabaho sa Japan bilang entertainers.

Hindi lang nakakarating dito sa atin, pero marami raw kuwento ang ibang artista na nagbabakasakaling magtrabaho sa Japan, dahil sa hindi naman maganda ang showbiz career nila sa Pilipinas.

“Hindi naman sa ano, ‘yung treatment sa kanila ng mga ano hindi maayos, nagri-risk po sila na mag-ano sa Japan. Lumalaki na ang competitors. May mga kakumpetensya na mga influencers,” kuwento ni direk Donie.

Action-drama ang naturang pelikula at interesting siya nang ikinuwento sa amin ni direk Donie ang kabuuan ng istorya.

May special participation din dito si Polo Ravales, bilang paghahanda sa gagawin nilang mini-series na pinamagatang Mambibilog.

Si Polo ang isa sa main cast na kung saan ginagampanan niya ang role ng isang Mambibilog, ang taong nagsusumbong sa Immigration ng mga nagtatrabaho roon na walang working visa.

Bilog ang tawag sa mga Pinoy na nagtatrabaho roon na walang working visa. Parang TNT ito sa Amerika.

Sa ngayon ay naka-focus muna sila sa pelikula nina Carlo at Takehiro, dahil balak ni direk Donie na isali ito sa Venice International Film Festival.

Puring-puri ni direk Donie at ng buong production staff si Carlo.

Wala raw silang sapat na panahon para paghandaan ang naturang project, pero nang isinalang daw si Carlo sa first shooting day, alam na alam na raw niya ang gagawin.

Nag-shoot sila ng apat na araw sa Pilipinas at 13 days sa Japan.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with