Pokwang, hindi naramdaman na minahal ni Lee!

Inamin ni Pokwang na nagsinungaling siya para sa ex na si Lee O’Brian nang kumalat ang intrigang hiwalay na sila nito kahit pakiramdam niya ay hindi siya nito minahal. “Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga,” pahayag ni Pokwang kahapon sa Fast Talk with Boy Abunda.
Pero aniya, pinagtakpan niya ito. “Sa totoo lang, mahal ko siya. Kaya ko nga nagawang magsinungaling... pagtakpan siya.”
At umasa raw siyang magiging ok ang lahat. “Bilang isang ina, umaasa ako na maayos pa kami. Kahit ang sakit-sakit na sa akin. Kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako na aayusin pa niya, na magkakaayos pa kami.
“Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance. Marami akong binigay na mga signal sa kanya na ayusin niya para kay Malia,” dagdag niya pa sa nasabing interview.
Tungkol sa negosyo raw ang pinagmulan ng lahat nang hindi nito (Lee) nagustuhan ang mga tinatanong niya.
Inamin din niyang lumapit siya sa abogado para sa costudy ng kanilang anak at upang mabawi ang kanila YouTube channel at ibang social media accounts.
- Latest