^

PSN Showbiz

Heart, ‘di dapat padala sa pressure

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, âdi dapat padala sa pressure
Heart Evangelista

‘Yung pressure kay Heart Evangelista para magkaroon ng anak dapat ay hindi niya pinapansin. Lahat ng bagay dumarating sa buhay mo sa tamang panahon.

Kung ibibigay ng langit, darating iyan at matatanggap mo nang buong pagmamahal.

Huwag padala sa pressure ng mga tao na hindi naman kasali sa buhay n’yo. Basta nagmamahalan sila ni Sen. Chiz Escudero, iyon ang mahalaga.

Kung talagang darating, darating iyan.

Ang ganda ngayon ni Heart, huwag siyang padala sa pressure baka magkaroon pa siya ng wrinkles sa mukha.

Mas kailangan ‘yung happy sila ni Chiz, at mas mahalaga iyon dahil ito ang magbubuo sa kanila kahit wala silang anak.

Cris Roque, madaling lapitan

Si Cris Roque yata ang pinakamadaling kausapin sa anumang bagay.

Basta sinabi mo sa kanya, no questions asked. Yes kaagad ang sagot.

Kaya naman successful ang Kamiseta Skin at Apparel niya dahil nga wala siyang kiyeme, hindi kagaya ng iba na maeklay.

Ganundin kabait si Rubby Coyuito ng Flawless dahil kahit anong request basta puwede niyang ibigay, ok sa kanya.

Bongga. I love my friends. Mababait at generous.

Walang charrot at kaeklayan!

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with