Jed, naapektuhan ng bashers!

Jed Madela

Ang Facebook post kahapon ni Jed Madela na, “Such a mean person… Just woke up and saw this post. Instead of getting upset, I felt sad (sad face emoji). I’m trying to understand what happiness or satisfaction this post gives to this person but I can’t seem to piece it together. Oh well…”

Reaksiyon ‘yon ng Kapamilya singer sa sinabi ng isang ba­sher na, “Kahit mag stop ka, di mararamdaman absence mo! Ang daming mga bagong singer na magagaling at fresh na, down to earth pa.”

Mukhang binash siya ng taong ‘yon dahil sa nasabi niya na there are times na kapag may mga bagong artist na dumarating, everybody goes crazy over that artist at feeling lang niya ay nasa-“shove aside” siya at minsan nga ay naiisip daw niya na mag-stop dahil hindi na siya masaya.

Siyempre, maraming nagtanggol kay Jed sa basher na ‘yon.

Pati si Ogie Alcasid at napa-comment na isang gem si Jed at nag-iisa ito!

Marami rin ang nag-advise kay Jed na huwag magpaapekto sa basher na ‘yon dahil sa totoo lang naman ay napakagaling niyang singer, huh!

Naku, kapag nakausap ko si Jed, Ateng Salve, papayuhan ko rin siya na huwag magpaapekto sa bashers dahil napaka-talented niya at sabi nga, bashers will always be haters, ‘noh?!

‘Yun na!

Annabelle, consistent ang pagtatanggol kina Manny at Jinkee

Alam mo, Ateng Salve, ilang friends ang nagtanong sa akin kung bakit pala­ging ipinagtatanggol ni Annabelle Rama ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao mula sa mga basher, lalo na sa mga intrigero’t intrigera?!

Actually, sa ilang beses na chikahan namin with Tita Annabelle, palagi niyang nasasabi na pamilya na ang turing niya sa mga ito dahil sobra talagang mabait ang mag-asawa.

Totoong tao raw sina Manny at Jinkee.

Saka hindi raw iba ang turing sa kanya ng mag-asawa. Ramdam daw niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya, kaya love na love niya, pati ng kanyang pamilya sina Manny at Jinkee.

Alam mo ba, Ateng Salve, may pagkaka­taon na may isang tao na hindi talaga kinakausap ni Bisaya kahit kaharap niya.

Nang makaalis ang taong ‘yon, nag-dialogue si Bisaya na ayaw niyang makipagplastikan. Siniraan daw kasi ng taong ‘yo ang ating Pambansang Kamao.

Nakabibilib talaga ang ugali ni Bisaya, huh!

‘Yun na!

Show comments