^

PSN Showbiz

Mister ni Jessy may pautang pa raw na P66 milyon, Luis itinangging mang-iisa para sa pera, nagpapatulong sa NBI sa isyu ng investment scam!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mister ni Jessy may pautang pa raw na P66 milyon, Luis itinangging mang-iisa para sa pera, nagpapatulong sa NBI sa isyu ng investment scam!
Luis Manzano

Naalala sa ‘scam...’ Tom Rodriguez, deactivated na ang account

“Guys, kilala niyo ako, di ako mangiisa ng tao para sa pera,” shoutout ni Luis Manzano sa kanyang Facebook account noong isang gabi.

Marami namang nag-agree na pagdating sa pera, hindi manloloko ang TV host/actor na mister ni Jessy Mendiola.

In fact, marami agad ang nagpatotoo na si Luis pa nga ang tumutulong sa ilang lumalapit na nangangailangan.

Bukod sa pinanganak siyang mayaman at Luis na siya noon pa.

May koneksyon ito sa pagkakadawit ng pangalan ni Luis sa iskandalo sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Nauna nang hiniling ni Luis na Luis Philippe “Lucky” Manzano sa totoong buhay sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation matapos siyang lapitan ng mga investor nito para humingi ng tulong sa pagbawi ng kanilang mga investment sa fuel company, na isa sa ilang kumpanyang kasalukuyang may utang din diumano kay Luis ng mahigit P66 million,  ayon sa natanggap naming statement ng kampo ni Luis.

Sa isang liham na naka-address kay NBI Director Atty. Medardo De Lemos na may petsang Nob. 8, 2022, sa pamamagitan ng abogado ni Luis na si Atty. Regidor Caringal, nilinaw niya na “nagpasya siyang alisin ang kanyang interes at nagbitiw bilang chairman of the board” ng ilang korporasyon sa ICM group na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Ildefonso “Bong” Medel, kabilang ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

Ayon kay Caringal, “iba’t ibang indibidwal na nagsasabing sila ay mga mamumuhunan/kasamang may-ari ng Flex Fuel ay nakikipag-ugnayan sa aming kliyente para sa tulong.”

Sinabi ni Caringal na umaapela si Luis sa NBI “na magsagawa ng imbestigasyon sa bagay na ito” dahil nabigo si Medel na tugunan ang mga commitment sa mga nasabing investor.

Sa isang affidavit na may petsang Dis. 21, 2022, ipinaliwanag ni Luis na ginawa siyang chairman ng board ng mga kumpanya ng Medel “bilang isa sa mga garantiya para sa aking pamumuhunan,” bahagi pa pahayag sa statement.

Binigyang-diin ni Luis, gayunpaman na “I never took part in the management of the business” at kalaunan ay nagbitiw at pormal na humiwalay sa mga kumpanya ng grupo ng ICM, kabilang ang Flex Fuel, ayon pa sa natanggap na­ming statement.

“Bong conduct the business in such a way that operational matters were kept away from me,” ayon sa bagong ama, na idinagdag na hindi ibinunyag ni Medel ang “important matters” sa kanya.

Sa parehong affidavit, isinalaysay pa ni Luis na matapos magbitiw sa Flex Fuel at iba pang kumpanya ng ICM noong Pebrero 2022, iba’t ibang investor ang umabot sa kanya para humingi ng tulong, ngunit matapos itong maihatid kay Medel, walang aksyon na ginawa ang huli.

“Hanggang ngayon,” sinabi pa ni Luis sa nasabing affidavit, “there are still individuals reaching out to me for help and assistance regarding their investments in Flex Fuel.”

Hindi pa nagbibigay ng statement tungkol dito ang mommy niya na si former Rep. Vilma Santos o ama nitong si Edu Manzano.

Tulad ni Tom Rodriguez, diumano’y best man din sa kasal nina Luis at Jessy ang CFO na si Ildefonso “Bong” Medel.

Nauna na ngang pinagbintangang ang best man nina Tom at Carla Abellana ang diumano’y nagsangkot din sa pagkawala ng pera ni Tom na sa kasalukuyan ay deactivated na ang account sa social media at hindi na ‘mahanap.’

Nauna nang may nasulat sa isang broadsheet na may mga petroleum companies na nagbebenta ng equity securities na walang permiso ng Securities and Exchange Commission.

May ilang pang petroleum companies din na diumano’y may mga investor ding celebrity na hindi authorized ng SEC.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with