^

PSN Showbiz

Kris, lumakas na ang hitsura!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, lumakas na ang hitsura!
Joshua, Kris at Bimby

Sabi ni Ronite (@dpersonalshopper), marami raw siyang balita na nasagap sa Europe. Katawa na hanggang Europe merong mga showbiz news na napupulot si Ronite na BFF ni Kris Aquino.

And speaking of Kris, nakakatuwa naman ‘yung photos nina Kris, Bimby at Joshua nang mamasyal sila sa Disneyland.

Mukhang nagbalik na ang maayos na kalusugan ni Kris at ang gandang tingnan na very healthy ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby. Talagang makikita mo ang closeness ng mag-ina at kung gaano kamahal ng mga bata ang mother nila.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang paggaling ni Kris para wala nang problema. At sana marami pang masasayang araw together silang tatlo.

Hindi mo mababayaran ang masayang ngiti ng mga anak ni Kris ‘pag kasama siya. Happiest place talaga ang Disneyland para sa lahat kasama na ang pamilya ni Kris.

Para talagang nakakalimutan mo ang lahat-lahat ‘pag andun ka sa ganung lugar.

Bongga talaga kaya sana maulit ang mga ganitong pasyal at bonding nila basta in good shape si Kris.

Naku kung hindi lang ako nagda-dialysis, talagang dadalawin ko si Kris sa Amerika.

Tulad ng lagi kong sinasabi, walang mean bone si Kris at mapupuri mo siya sa kanyang kabaitan.

Ang impression lang ng iba, maldita siya. Pero hindi.

Kahit noong wala siyang sakit, hindi siya mapagtanim ng galit.

Kahit talakan mo siya, dedma siya na parang walang nangyari.

Love you, Tetay. Pagaling ka para mas marami ka pang mapasyalan kasama sina Joshua and Bimby at makabalik na kayo agad ng Pilipinas.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with