^

PSN Showbiz

Julia, inaming may sinagot si god nang makilala si Sharon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, inaming may sinagot si god nang makilala si Sharon!
Julia at Sharon

Naging malapit na magkaibigan sina Sharon Cuneta at Julia Montes simula noong naging magkatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano. Para sa nakababatang aktres ay nakararamdam siya ng tunay na pagmamahal mula sa Megastar. “Sa mundo (ng show business) natin may taping friends, may co-workers lang. Ito masasabi mo na ‘yung in-offer sa iyo na love ni Megastar, ni Mommy Sha, ay hindi ganoon. Alam mong on and off cam ay nandiyan siya for you. Maki-keep ko ‘yung love talaga at ‘yon ang mache-cherish ko. Naging thanful ako kung bakit ako napasok sa Ang Probinsyano part doon si mommy Sha,” emosyonal na pagbabahagi ni Julia.

Hindi na raw nakaram­dam ng pagkailang ang aktres kay Sharon kahit noong mga unang araw pa lamang na nagkasama sa set noong isang taon.

Nasagot umano ng Megastar ang mga na­ging katanungan ni Julia sa loob ilang taong pamamahinga sa show business. “Unexplainable kung paano kami naging close. Kasi lahat naman eventually kapag may nakatrabaho ka nagiging close mo, pero kay mommy Sha parang naging special lang talaga. Kasi may in-answer si God na question mo for ilang years at ‘yon ang ibinigay niya, ‘yung napag-usapan namin,” makahulugang paglalahad ni Julia.

Sen. Lapid, sanay na walang script ‘pag dinidirek ni Coco

Ngayong Pebrero ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Makakabilang din sa naturang serye ang ilang mga nakasama ng actor-director noon sa FPJ’s Ang Probinsyano katulad ni Lito Lapid. Malaki ang pasasalamat ng actor-politician kay Coco dahil sa muling pagbibigay sa kanya ng trabaho sa harap ng kamera. “Abangan n’yo ang role ko dito. Mag-shoot na ako starting February. Nabigyan na naman ako ng pagkakataon na umarte sa Batang Quiapo. Ang role ko Supremo sa Quiapo. Parang ‘yung role ni FPJ (Fernando Poe, Jr.). Nagpapasalamat ako kay Coco dahil binuhay niya ang acting career ko. Nagkaroon ako ng chance to act again because of Probinsyano. Si Coco na rin ang nag-direct ng series. Hindi ako sanay na wala kaming script dati pero nagawa ni Coco to direct us. Sinasabi niya lang ang situation. Ang galing ni Coco, ‘yung script niya sa ulo niya. Alam niya ang timpla ng masa. Kung ano ang gusto ng masa. Kayang-kaya niya,” nakangiting pahayag ni Lito.

Ayon sa action star ay mas marami na rin ang nakakakilala sa kanya ngayon bilang aktor dahil sa naging karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano. “Dati kilala lang ako ng mga senior citizen at tinatawag nila akong Leon Guerrero. Ngayon sinisigaw na nila ang Pinuno, ‘yon ang kilala ng kabataan. Sa iba’t ibang probinsya, sinasama din ka­ming dalawa (ni Mark Lapid). Lagi akong pinakikilala na Ang Pinuno ng Probinsyano,” kwento niya.

Kahit magiging abala nang muli sa pagiging artista ay nilinaw naman ng Senador na hindi niya napapabayaan ang mga tungkulin sa gobyerno. “Kaya ko naman gawin lahat ‘pag walang senado. May mga araw na wala kaming pasok. Hindi naman magkakaroon ng conflict,” pagtatapos ng actor-politician.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with