^

PSN Showbiz

Paolo takot sa galit ng mga anak, inaming mas pinili si Yen kesa sa ‘Dollar’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo takot sa galit ng mga anak, inaming mas pinili si Yen kesa sa �Dollar�
Paolo Contis at Boy Abunda

“Jusko! Naiyak ako hahaha!,” text sa akin ni Paolo Contis pagkatapos ng interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda nung nakaraang Biyernes.

Ngayon lang inilahad ni Paolo ang tunay na naramdaman sa tatlo niyang anak.

Inamin niyang hindi siya nagbigay ng sustento, pero iniipon daw niya para pagdating ng araw ay ibibigay raw niya ito nang personal sa kanila.

Ang kinatatakutan lang niya ay ang araw na kamuhian siya ng kanyang mga anak.

“Kung pag-uusapan ‘yung love, sobrang love ko sila.

“Pero you know, ako, feeling ko, reality lang. Hindi naman na sa akin lumaki, especially si Xonia at Xalene, ‘di ba?

“So, ‘yung para ma-hate nila ako, ‘yun ang pinaka-fear ko.

“Hindi ko kailangan... to be honest, nasa stage ako na maging magkaibigan tayo eventually.

“Okay na ‘yun, civil lang. Huwag lang galit. Hindi ko kailangan na mahalin nila ako kasi hindi ko ‘yun masisisi.

“Hopefully, it will come. Maybe, I have no idea, pero that’s my biggest fear… is for them to actually hate me,” madamdaming pahayag ni Paolo.

Marami pa silang pinag-usapan na hindi na kinaya sa oras, kaya may part two na mapapanood sa Lunes, Jan. 30.

Kaabang-abang ang susunod na pag-uusapan dahil natanong ang tungkol kay Yen Santos.

Sa fast talk segment, tinanong siya ni Kuya Boy kung dollar o yen. Mabilis na yen ang sagot ng Kapuso actor.

Ang dinig namin inamin na niyang sila na ni Yen Santos.

Hindi ko lang alam kung paano siya napaamin.

Iza, lock-in break nang mabuo ang baby

Magtatapos na ang drama series sa Viu na K-Love tampok sina Iza Calzado, Jake Cuenca, Isabelle Daza, Sue Ramirez, RK Bagatsing, Gabby Padilla, Ian Pangilinan at marami pa.

Sa Feb. 3 na ang airing nito sa nasabing streaming app, pero nung nakaraang Huwebes ay nagkaroon sila ng party na ginanap sa Nokal Manila sa Makati.

Hindi nakadalo si Iza dahil sa kabuwanan na nito. Pero nakuwento sa amin ng Head of Originals ng Viu na si Ms. Corrine Vistan na K-Love baby raw itong ipinagbuntis ni Iza.

“We were ‘yung three lock-ins, but everyone took a break to go back to Manila to vote. And dun siya nabuntis. So, sabi niya, pinauwi n’yo kasi kami to vote, so ayan, buntis siya,” natatawang pahayag ni Ms. Corrine.

“The whole time we were shooting after elections, hindi namin alam na buntis na pala siya.

“So, we had to change the scene to make sure na hindi siya tumatakbo para safe and everything.

“But that was the funny thing. Nagka-K Love baby siya. Dun talaga sa pag-uwi niya to vote. Nakita niya si Ben.”

Bilib sila kay Iza dahil kahit buntis na raw ito at kahit may mga morning sickness ito, hindi naging dahilan ‘yun para maantala ang taping.

Napaka-professional daw ni Iza at nakikitang sobrang nai-enjoy niya ang buong lock-in taping ng K-Love.

Nangunguna ang K-Love sa lahat na mga drama na napapanood sa Viu.         

Ngayon ay inaayos na nila na makabuo ng isang drama series na collaboration sa South Korea, Thailand o ibang Asian countries na posibleng pagsamahin ng mga artista ng kanilang bansa at ng ating local actors.

 

 

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with