Marian, handa na ulit gumawa ng teleserye

Dingdong, Rhea, at Marian

Star-studded ang dalawang araw na grand opening ng Beautederm Corporate building sa Angeles City, Pampanga.

Kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year ang grand opening ng 7-storey building na dinaluhan ng ilan sa mga bigating brand ambassadors.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nag-cut ng ribbon ng buong building, na kung saan nandun ang BeauteHause, ang A List Avenue, Beaute Beannery at AK Studios.

Dumalo rin sina Lorna Tolentino, Bea Alonzo, JC Santos, Buboy Villar, at vloggers na sina Jelai Andres at Zeinab Harake at iba pa.        

Inspiring ang mensaheng dala ng grand opening ng Beautederm building na kung saan gustong iparating ni Ms. Rei Anicoche-Tan na hindi lang suwerte  ang kailangan kundi dapat pagtrabahuan mo at patuloy na panalangin.

Bahagi ng speech ni Ms. Rei bago ang ribbon-cutting; “Coupled with hard work and determination and a lot prayers, dreaming could be the most rewarding thing in our lives. And dreaming becomes more fulfilling if we are blessed with people who share the same vision in creating a positive difference in this world.

“Beautederm headquarters embodies that dreaming and united team could accomplish and I think everyone who are present today as we celebrate the beauty of hard work.”

Sabi pa ni Dingdong Dantes; “Ipinakita ni Ms. Rhea na for the past years, hindi lang sapat ang suwerte, kailangan talaga ay hard work. Hard work po talaga. Kaya isa po yan sa mga bagay na ipinagpasalamat namin at saludung-saludo po kami sa kanya.”

Umayon si Marian sa sinabi ni Dingdong. “Sabi nga ni Dong kanina, deserved mo lahat ito dahil yung blessings na meron kang nari-receive, ibinibigay mo nang doble sa mga taong nandiyan para sa ‘yo. Tama yun e. Hindi lang puro luck luck. Kaya siguro kaya naging mas masuwerte kasi maraming nagmamahal at nagdadasal para sa yo,” dagdag ni Marian.

Kaya ngayon pa lang ay kini-claim na ni Ms. Rei na magkakaroon siya ng sampung building.

Hindi lang namin nakatsikahan nang bongga ang mag-asawang Dingdong at Marian. Pero naikuwento doon ni Marian na handa na siyang magka-teleserye ulit. May meeting na pala siya sa mga taga-GMA 7.

Magiging super busy naman lalo ang 2023 ni Dingdong dahil tuluy-tuloy pa rin ang Family Feud at bandang March ay sisimulan na niya ang soap na may tentative title na Royal Blood, at ang pelikula nila ni Charo Santos.

Doon pa rin sa opening ng Beautederm building, medyo takot sanang magpa-interview ang vlogger na si Zeinab Harake.

Hiningan lang namin siya ng reaksyon sa mainit na isyung kinasangkutan ni Alex Gonzaga.

Ang natutunan daw niya sa nangyari kay Alex ay maging maingat na sa mga ipinu-post nila. “Siguro po ano lang, kailangang lang bawasan lang ang lahat nating actions.

“Kasi po pagdating sa media, nau-over react siya. Pero lahat naman is magiging reason para sa aming lahat na mga influencers na mag-ingat. Yun lang,” pahayag pa ni Zeinab na laging maraming dalang security.

Show comments