^

PSN Showbiz

Jinkee, naka-hangout ulit si Ji Chang-Wook

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, naka-hangout ulit si Ji Chang-Wook
Manny , Jinkee at Ji Chang-Wook

Napa-sana ol ang netizens sa post nina Manny and Jinkee Pacquiao habang nasa South Korea.

Naka-dinner at naka-bonding nila roon ang kinababaliwang Korean drama actor ng mga Pinoy na kamakailan lang ay nasa bansa para sa isang fan meeting, si Ji Chang-wook.

At andun din si Mommy Dionisia at kakambal ni Jinkee na si Janet - sa nasabing dinner.

Makakalaban ng Pambansang Kamao sa gaganaping exhibition fight ang Korean mixed martial artist na si DK Yoo sa Disyembre 11 sa Korea International Exhibition Center (KINTEX).

Ang mga kikitain daw mula sa laban ay ido-donate para makatulong sa mga relief at recovery efforts sa Ukraine kaya’t matagal-tagal na ring nasa Korea para mag-ensayo ang Team Pacquiao.

Pumasyal din ang grupo nina Manny sa Itaewon.

Ang sabi, maraming Korean celebrity na manonood ng exhibition game ni Manny and DK Yoo at kabilang daw dun ang dalawang member ng BTS.

Nandun din si Arci Muñoz na kasama ang bagong boyfriend.

Si Seth Shannon Jamora ang BF ngayon ni Arci na kamag-anak ni Jinkee.

‘Yun pala ang konek kaya kasama sa tropa ni Manny si Arci.

Anyway, ‘di ito ang first time na nag-hangout sina Manny at Jinkee with Ji Chang-wook.

JINKEE PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with