PSG NI Marcos Jr., nagdala ng ayuda!

Pangulong Bongbong Marcos
STAR/ File

Ayaw ko sana itong isulat dahil baka sabihin naman, nagyayabang ako.

Pero sinulat ko pa rin. Hahaha.

Nang malaman ni Kris Aquino ang health condition ko, siya ang unang-una na nagtanong kung ano ang puwede niyang itulong.

At maysakit pa siya nung lagay na iyon ha.

Tapos dahil sa regular ang batian namin sa text ni Usec Honey Rose Mercado, nalaman na at naiparating niya siguro kay President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos ang aking pagpapa-dialysis ng twice a week, bongga na may biglang dumating na flowers sa hospital kung saan ako nagpapa-dialysis mula kay Papa Bongbong Marcos.

Eversince, open ako sa pagiging Marcos loyalist dahil kahit noon type ko si Imee Marcos at former President Ferdinand Marcos. Kaya kilig na kilig ako nang dumating ang flowers ni PBBM sa FEU Dialysis center.

Bongga di ba!

Pero ang hindi ko talaga inasahan, na tiyak ko na utang na loob ko na naman kay Usec Honey Rose iyon pagdating ng isang PSG sa bahay ko na may dalang ayuda mula sa Office of the President.

Ano nga bang ginawa ko para sa ganitong kabaitan nila?

Mula kay Kris Aquino, hanggang Bongbong Marcos may nakukuha akong pagmamahal.

Napakasuwerte ko naman na ang daming nagmamahal sa akin at talagang nag-aabala.

Isang bagay ito na talagang lagi kong ipagmamalaki, I maybe the controversial Lolit Solis, either you love or hate me, pero may mga tao pa rin na nakikita na worth akong mahalin.

For that, I am so thankful and grateful.

So kahit ano pa sabihin, kahit ano pa ang gawin wala nang puwede pang magpabago sa kung anuman ako mula noon hanggang ngayon at dapat talagang tanggapin ako sa pagiging ganito ko.

Kaya sa iba dyan, don’t tell me mas mataas pa level n’yo kay Kris o kay Bongbong noh.

Show comments