^

PSN Showbiz

Bahay sa Forbes ng mga Pacquiao, nabili ng foreigner?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bahay sa Forbes ng mga Pacquiao, nabili ng foreigner?!
Jinkee Pacquiao

Nabenta na ba ‘yung bahay nina boxing champion Manny Pacquiao sa Forbes?

“Parang,” sagot ng isang kausap ko.

Lately kasi ay parang bagong bahay na ang pino-post ni Jinkee na parang ongoing pa ang construction.

Though may nagsabing nabenta na nga ito, sa Singaporean, wala pang nagko-confirm tungkol dito.

Pero ‘yun nga, mga bagong spot na ang pino-post ni Jinkee, na lilipatang bahay raw ng pamilya Pacquiao na malapit din sa Forbes.

Walang caption ang mga post ni Jinkee at limited ang nakakapag-comment kaya walang maka-investigate.

Napabalitang up for sale ang nasabing mansion ng mga Pacquiao ng P2 Billion almost two years ago pa.

Samantala, controversial ngayon ang former senator dahil sa statement ng Filipino referee na si Carlos Padilla na ‘dinaya’ nila ang laban para manalo si Pacman laban sa Australian fighter na si Nedal Hussein back on Oct. 10, 2000 at the Ynares Sports Center in Antipolo, na naging malaking isyu ngayon.

Pero may paliwanag dito ang anak ng legendary referee na si Suzy Padilla Tuano: “My father is an 88 year old man who is just that — old and aging. Despite the fact that he has been living in the United States for decades, English remains his 2nd language.

“Communications can be misconstrued and well intentioned words can be misinterpreted. The present situation is one such glaring example of what might actually have been said, (no pun intended), and what may have been taken out of context,” sa isang sulat.

Oo nga naman. Old na ang 88 at hindi na rin nga siguro accurate ang memorya.

JINKEE PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with