^

PSN Showbiz

MMK, malaki ang pasasalamat

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
MMK, malaki ang pasasalamat
Charo Santos

Kamakailan ay marami ang nagulat sa balitang magtatapos na sa ere ang Maalaala Mo Kaya ngayong buwan. Napanood sa loob ng tatlumpu’t isang taon ang naturang drama anthology kaya malaki ang pasasalamat sa mga tumangkilik ng host nitong si Charo Santos-Concio. “Thank you so much for all the years that they’ve supported Maalaala Mo Kaya. At saka nakakataba ng puso na we’re on our last two episodes at talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa avid fans ng programa. But you know, ganoon ang buhay. Life goes on. Nakakataba ng puso lahat ng magagandang feedback na naririnig mo sa kanila,” nakangiting pahayag ni Charo.

Para sa dating Presidente ng ABS-CBN ay naging bahagi na rin ng buhay ng mga mano­nood ang magwawakas na programa. “I have a grateful heart na naka-contribute naman ang Maalaala Mo Kaya sa larangan ng entertainment. Sa pagdadala ng mga kwento na puno ng aral, ng pag-asa. It also presented a slice of life of the Filipinos at ang daming aral na dinala, so nakakatuwa. Nakakatuwa kapag binabasa ko ang comments ng fans sa social media na nalulungkot sila,” dagdag niya.

Posible kayang magbalik pa sa telebisyon ang MMK sa mga susunod na taon? “Naku! Hindi ko po alam ‘yan. Pero binili ng Africa sa 2023 it be will be shown in 41 countries in Africa. So I am now dubbing the MMK episodes into English. Who knows, one day Korean naman? Sana magustuhan din ng audience sa Africa and I’m sure ang mga Filipino, ang mga kababayan natin na nasa Africa mayroon na naman silang programa na sasalamin sa kanilang buhay. It’s such an achievement, nakaka-proud,” pagtatapos ni Charo.

Vina, pang-teleserye ang love story

Naibahagi ni Vina Morales sa publiko ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Ayon sa aktres ay mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang unang makilala ang kanyang kasintahan ngayon. “Ako naman ay masaya. Inspired ako and kinikilig, tumitibok ang puso ko. It’s been a while, parang ang tagal na. I don’t want to give so much details but then na-post ko rin sa IG ko ‘yon na I met him 21 years ago. So ‘yung story namin is parang teleserye din. I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala akong Ceanna (anak ni Vina at Cedric Lee). We’ve been in touch. And then bigla na lang, I don’t know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami. And then doon na nag-start lahat, ulit. All the time, he’s always been in touch sa email, hindi ko lang nababasa masyado. But he’s really a nice guy,” nakangiting kwento ni Vina.

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Boracay ang magkasintahan. Nag-post si Vina sa kanyang Instagram account ng mga larawan na kasama ang nobyo. “I am praying. Let’s see where God will lead us, bahala na. Hindi pa natin alam kung saan basta pampakilig okay na ‘yon, paminsan-minsan mag-post,” makahulugang pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with