^

PSN Showbiz

Angeline, pumayat na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Angeline, pumayat na!
Annabelle at Angeline

Ay naku, Ateng Salve, kung noon rest day talaga kapag non-working day, kahapon naman na Andres Bonifacio Day pa naman ay full load ako, huh!

Nag-go ako sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores sa Kamuning Bakery kung saan panelist si Cultural Center of the Philippines Chairman Dr. Jaime Laya.

Tinanong ko nga si Dr. Laya kung sa Jose Rizal Day ba on December 30 ay ipapalabas nila sa CCP ang mga pelikulang Pinoy na tungkol sa ating National Hero? Eh, magsasara kasi ang CCP sa January 2023 at ire-renovate ito hanggang March 2025.

Pero ang last event daw nila ay for Christmas na may mga magagandang parol sila na idi-display. Sayang nga dahil akala ko pa naman ay ipalalabas doon ang ilang Jose Rizal movies tulad ng Rizal movie ni Cesar Montano na idinirehe ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya noong 1998.

Anyway, from Kamuning Bakery, nag-invite namang mag-lunch si Annabelle Rama sa Victorino’s Restaurant. Kasama naman namin si Angeline Quinto na isa sa mga kumanta sa 70th birthday event niya kamakailan.

Over lunch nga, ang isa sa topic ng chikahan nila ay ang takot ni Bisaya na magparetoke. Puring-puri kasi ni Angeline ang hitsura ng misis ni Eddie Gutierrez na hindi talaga mukhang 70 years old.

Isa pang chika ni Bisaya kay Angeline ay ‘yung pinagbintangan ko raw siyang nagdadahilan na kaya siya late sa lunch namin ay dahil sa drama niyang nandoroon na siya, pero bumalik siya sa kanilang bahay dahil naiwan niya ‘yung ibibigay niya sa Kapamilya singer-actress na tinanggi naman niya.

Anyway, sa lunch pa rin na ‘yon ay naikuwento ni Bisaya kay Angeline ‘yung tungkol sa “pinagalitan” siya ng anak na si Raymond Gutierrez nang magkita sila sa audience entrance ng ABS-CBN at sinabihan niya ang singer-actress na tumaba at magpapayat.

“Pagdating namin sa dressing room, nagalit si Mond. Sinabihan talaga ako. Hindi raw maganda ang sinabi ko sa ‘yo. Akala yata hindi tayo close. Sabi ko, kaya kita sinabihan na magpapayat na dahil kukunin nga kita uli na mag-concert dahil magpo-produce nga kasi ako.

“Saka nagulat nga ako, hindi ko alam na kapapanganak mo lang pala no’n,” sey ni Bisaya.

Sabi naman ni Angeline, “Tita, okey lang naman na sinabihan mo ako dahil alam ko naman na wala kang masamang ibig sabihin!”

Of course, hindi pang-iinsulto ang dialogue na ‘yon ni Bisaya kay Angeline at naiintindihan ng huli ang bagay na ‘yon.

Anyway, happy si Angeline na ikinuwento kay Bisaya na seven months old na ang anak niyang si Baby Sylvio at aniya ay sobrang happy siya sa pagiging isang ina!

Anyway, napansin naman ni Bisaya na malaki na ang ipinayat ngayon ni Angeline.

Bongga!

Jodi, ‘di napuntahan ang dating pinagtatrabahuhang supermarket

After ng lunch namin, dumiretso naman ako sa presscon nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria ng Labyu with an Accent, ang kanilang 2022 Metro Manila Film Festival movie.

Sa presscon ay tinanong ko si Jodi kung naipasyal ba niya ang grupo nila Coco nang mag-shooting sila sa Los Angeles, California dahil tumira rin doon ang Kapamilya actress.

Sabi ni Jodi, tutok daw kasi siya sa shooting nila kaya hindi na niya nagawang ipasyal ang mga kasamahan sa LA.

Hindi rin daw napuntahan ni Jodi ang supermarket kung saan nag-cashier siya noong based pa siya roon at nabalitaan nga raw niya na sarado na ‘yon.

Anyway, excited daw si Jodi para sa kanilang 2022 MMFF movie.

‘Yun na!

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with