^

PSN Showbiz

Kris, pinalipad ang kanyang doctor sa US!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kris, pinalipad ang kanyang doctor sa US!
Kris
STAR/ File

Naku, Ateng Salve, akala ko naman nagtagal si Kris Aquino at ang mga anak niyang sina Josh at Bimby sa Airbnb house na una nilang tinirhan malapit sa Beverly Hills, California, pero overnight lang sila roon.

Tama raw na may leak kaya nga umalis doon sina Kris, Josh, Bimby at ang mga kasama nila at lumipat ng hotel.

Sabi ng nakachikahan ko, “Can afford naman si Kris kahit hindi na sila lumipat ng Airbnb at sa hotel na lang sila.”

Anyway, pati pala doktor ni Kris mula sa ‘Pinas ay pinalipad din ng Queen of All Media sa Amerika.

Mukhang okey na okey naman si Kris sa California at marami siyang mga kaibigan na madalas na dumadalaw sa kanya. Nice!

Aktres, ma­kupad pati sa pagda-drive

Nakakaaliw naman ang isang aktres noong kabataan niya. Puwede ngang sabihin na bata pa si... ay, huwag ko na lang ituloy at makukuha n’yo kaagad kung sino si aktres na bida sa kuwentong ito.

Pero nangyari ito noong prime pa nga niya at may weekly TV drama antho­logy siya na produced ng kanyang mother studio.
That time, may taping sila sa may Green Meadows in Quezon City. Isang premyadong direktor na may katarayan din ang namamahala sa taping ni aktres na noon ay babagal-bagal ang i­mage.

Eh, may eksenang kukunan na kaila­ngang mag-drive ng kotse ni aktres, kaya sinabihan siya na mag-practice driving muna around the village para hindi halata sa eksena na hindi siya marunong mag-drive.

Mercedes Benz pa raw ang kotse, kaya type rin ni aktres. So, test drive na si aktres. Naloka ang mga kasama ni aktres dahil lumabas sila sa village na pinagte-taping-an. Ikut-ikot lang daw sila sa Ortigas Avenue, pero ang ending, umabot daw sila sa Greenhills, San Juan. Naisipan ni aktres na mag-drive thru sa isang kilalang fast food joint.

Eh, natrapik pa sila pabalik sa Green Meadows, kaya ang dapat ay 15 minutes daw na pagte-test drive ay naging two hours.

Pagbalik daw nila sa set, nakatayo sa labas ng bahay si directed by. Mukhang nagtitimpi raw at hindi naman nagtaray, pero ang ending, hindi natapos ang lahat ng mga eksena that day.

Pumayag naman ang producer na mag-second day, pero ang nangyari ay hindi na sila nag-taping uli at hindi naipalabas ang episode na ‘yon.

Pero ngayon naman, ibang-iba na si aktres. Hindi na siya bata at hindi na underage, kaya wala nang mga ganoong eksena sa kanyang mga proyekto.

Bongga!

Toni, iba ang ginagamit na pangalan noon

Sabi ni Toni Gonzaga sa presscon kahapon ng Toni reality-talk show sa AllTV, nagse-celebrate siya ngayon ng kanyang 20th showbiz anniversary. Nang magtanong na ako, ipinaalala ko kay Toni na nagkakilala kami noon sa Campus Romance show ng GMA 7.

Sabi mismo ni Toni, that was 1997 at hindi na nga niya isinama ‘yon sa bilang ng taon niya sa showbiz.

Sabi raw kasi sa kanya noon, ang bilangin lang niya ay ‘yung simula nang makilala siya.

So, nakilala siya bilang Toni Gonzaga ay noong 2002 na raw. Noong 1997 daw kasi ay Tin-Ton Gonzaga pa siya. ‘Yun na!

BIMBY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with