Male personality na kinasuhan ng cyber libel, pahinga muna sa social media

Tiklop muna pala ang isang male personality sa social media especially sa Facebook.

May kinalaman ang reklamong isinampa sa kanya ng isang artista na umabot sa kaso.

Eh matapang at matalas ang bibig ng personalidad pero nasabihan na siyang tumahimik muna kung ayaw niyang mas lumala pa ang problema.

Sa totoo lang, cyber crime ang panlaban ngayon ng mga personalidad na nababanatan.

Suwerte ka lang kung magaling ang lawyer mo dahil may kilala rin kaming personalidad na naa-acquit sa kaso cyber libel.

Dating sexy star na si Hazel Espinosa, nabiktima ng snatcher!

Kilala mo pa ba ang dating sexy star na si Hazel Espinosa, Salve A.?

Nahablutan siya ng bag nitong nakaraang mga araw.

Nahuli ang suspek sa follow-up operation ng mga pulis sa Quezon City.

Nabawi ng pulis ang dalawang cellphone at tablet. Pero hindi na nakuha ang isa pang phone at P10K na cash

Ibinahagi ni Hazel sa Balitanghali kahapon ang pagnanakaw sa kanya.

Malapit na ang Pasko kaya doble ingat sa lahat ng magnanakaw, huh!

Show comments