^

PSN Showbiz

Loisa, tumangging magpakasal kay Ronnie

Pilipino Star Ngayon
Loisa, tumangging magpakasal kay Ronnie
Ronnie at Loisa.

Nadurog ang puso ni Edward (Ronnie Alonte) matapos tanggihan ni Jane (Loisa Andalio) ang alok niyang magpakasal sa Kapamilya teleseryeng Love in 40 Days, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Tinanggihan ni Jane si Edward matapos niyang malaman na ang nanay nitong si Andrea (Mylene Dizon) ang totoong mastermind ng isang modus kung saan milyun-milyon ang kinikita nila sa pagpepeke ng pagkamatay ng mga kriminal at siya rin ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Jane.

Isa-isang nabubunyag ang katotohanan dahil kay Marco (Ahron Villena), ang dating boss ni Jane na naging tauhan ni Andrea. Gusto na kasing magbagong-buhay ni Marco kaya inamin na niya ang kanyang mga krimen at ngayon ay gusto niya ring pagbayarin si Andrea.

Ini-splook din ni Marco ang matagal nang sikreto ni Andrea – pineke niya ang kanyang pagkamatay noon at nagpalit ng pagkatao para takasan ang kanyang mga krimen sa ibang bansa.

Dadaan sa matinding pagsubok ang relasyon nina Jane af Edward, lalong-lalo na dahil hindi naniniwala si Edward sa mga binibintang kay Andrea at gagawin niya ang lahat para patunayan na inosente ang kanyang ina. Wala ring kamalay-malay si Edward na ang matagal na nilang kasambahay na si Ofelia (Janice de Belen) ang totoo niyang ina.

Mananaig pa ba ang pagmamahalan nina Jane at Edward? Makukulong na ba si Andrea?

Huwag palampasin ang Love in 40 Days, gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Huling TV series ni Heart, mapapanood na sa streaming platform

Mapapanood na sa Netflix Philippines ang romantic drama series na I Left My Heart in Sorsogon beginning Oct. 14. Ito bale ang huling TV series ni Heart Evangelista na ginawa.

Ginagampanan niya ang papel dito bilang si Celeste, a fashion designer, and socialite na engaged to the most eligible bachelor in town, Tonito, (Richard Yap) with Paolo Contis na ginagampanan ang papel ni Mikoy na isang dating kaibigan ni Celeste.

Nang biglang magkasakit ang ama ni Celeste, bumalik siya sa kanilang bayan at napilitang harapin ang buhay na iniwan niya. Doon, nagkrus ang landas nila ng ex-boyfriend na si Mikoy. Hindi maganda ang naging wakas ng relasyon nila ni Mikoy, kaya ang muling pagkikita nila ay animo’y may alitan sa pagitan nila.

Itinatampok si Heart sa mga haute couture outfit mula sa ilan sa mga nangungunang fashion house sa mundo. Ang serye ay kinunan sa gitna ng nakamamanghang tanawin mula sa Sorsogon na ex-governor si now Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with