^

PSN Showbiz

Marian, kalahating dekada na sa tadhana

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian, kalahating dekada na sa tadhana
Marian Rivera.

Pangmalakasan ang handog ng Tadhana sa ikalimang anniversary ng programa.

Yes, five years na ang Tadhana na hinu-host ni Marian Rivera. Three-part special ang handog ng programa sa manonood simula ngayong Sabado, Oct. 8.

Sa totoo lang, naging parte na ng buhay ni Yan ang Tadhana. Tanging ito lang ang show ang ginagawa niya noong kasagsagan ng COVID-19 hanggang sa nagluwagan na’t ginawa nila ng asawang si Dingdong (Dantes) ang sitcom nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Sa bahay ng Dantes tini-tape ang mga episode nu’ng matindi ang virus. Pati nga ang mga anak niyang si Zia ay may “papel” sa show bilang staff crew.

Pero ang wish ng manonood ay muling makitang umarte si Yan sa Tadhana at si Dong ang muling magdidirek sa kanya.

Happy 5th anniversary, Marian and Tadhana!

Kelvin at Mikee, balik-tambalan

Tuwang-tuwa at excited ang fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda dahil silang dalawa ang tampok sa fresh episode ng Magpakailanman bukas ng gabi.

Eh mula nang magtambal sa Kapuso series na The Lost Recipe, ngayon lang muling mapapanood ng MiKel fans ang kanilang mga idolo.

Tiyak na maaantig ang puso ng manonood sa pagbibidahan nina Mikee at Kelvin na To Love Again: The Johncel C. Mangudag and Jenefer Francisco Love Story.

Kuwento ito ng babaeng naghahanap ng tunay na pag-ibig matapos ang isang mapang-abusong relasyon.

Hindi man nagkaroon ng relasyon, masaya na sin si Kelvin kay Mikee sa relasyon kay Paul Salas.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with