^

PSN Showbiz

Carla, may dini-date na rich businessman?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Carla, may dini-date na rich businessman?!
Carla
STAR/ File

Uy may manliligaw daw na pulitiko si Carla Abellana.

At hindi raw ito basta pulitiko. Mayaman, ayon sa source.

Pero ‘di raw ito ang first time na niligawan si Carla ng isang mayamang pulitiko.

Na-in love raw dati sa actress ang isang mayaman ding pulitiko na may asawa’t anak na ngayon.

Pero ‘di raw naging sila.

Sa ngayon ay divorced na sila ni Tom Rodriguez bagama’t sa Amerika pa lang ‘yun pero sa Pilipinas ay hindi pa approved ang kanilang annulment.

Samantala, galit si Carla sa nangyayaring horse fighting.

“I’ve been desperate to speak against horse fighting (and since been actively campaigning against ALL other types of animal fighting) since i found out years ago that it sadly exists in our very own country.

“Why make animals fight against each other, suffer tremendously, and likely die in the process, just so you can excuse it under the guise of “tradition” or “entertainment”? Or so you can gamble your money away?

“I, Carla Abellana, stand behind Animal Kingdom Foundation’s fight against horse fighting and ALL forms of animal fighting,” mahabang pahayag niya sa ini-repost na artcard tungkol sa horse fighting na isang labag sa batas.

Nagaganap pala ang horse fighting sa Saranggani province na tinuturing na isang entertainment doon.

Ito ay bilang pakikiisa na rin ni Carla sa World Animal Day (Oct. 4) kung saan nagkaroon ng three-day horse fighting activity sa Glan, Sarangani Province.

Kasama si Carla sa nangunguna sa “Artists Against Animal Cruelty”  ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society).

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with