^

PSN Showbiz

Lovi, gustong mag-ala Son Ye-Jin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi, gustong mag-ala Son Ye-Jin
Lovi
STAR/ File

Kung meron man isa pang Korean drama series na gustong pagbidahan ni Lovi Poe ang local adaptation, ito ay ang Something In the Rain starring Son Ye-jin, Jung Hae-in at Jang So-yeon.

Noong 2018 pa ito napanood sa Netflix na mala-May-December affair ang kuwento.

Lagi itong trending noon at nagpasikat kay Jung Hae-in sa Pinoy fans.

Natanong si Lovi tungkol dito sa ginanap na finale presscon ng local adaptation ng Flower of Evil na pinagbidahan nila nina Piolo Pascual, Paulo Avelino, JC de Vera and Edu Manzano.

Aminado si Lovi na isa siyang Korean drama fan.

Samantala, pulos papuri ang sinasabi ni Lovi kay Piolo. Hindi raw niya ini-expect na ganun ito ka-grounded na tao kaya maganda rin ang kinalabasan ng mga eksena nila.

Ito nga ang unang sabak ni Lovi sa suspense-mystery and action genre at aminado ang aktres na natupad ang pangarap niya ritong maging action queen.

Kasalukuyang nasa London si Lovi kaya’t via zoom lang siya kahapon sa finale presscon ng teleserye.

LOVI POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with