^

PSN Showbiz

Kathryn, natutong magpakatotoo

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, natutong magpakatotoo
KathNiel.

Mahigit isang dekada nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi na raw halos namalayan ng aktres na umabot na ng labing-isang taon ang kanilang relasyon ng binata. “Grabe ‘yung 11 years na ‘yon. Sa totoo hindi namin namalayan na 11 years na. Ang bilis ng mga nangyari,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Dahil sa tagal na nilang magkarelasyon ay napakaraming bagay na rin ang mga natutunan ng aktres sa buhay. Isa na rito ay ang pagpapakatotoo sa kanilang masugid na mga tagahanga. “Ang natutunan namin, mas mamahalin ka ng tao kapag pinakita mo ang totoo sa iyo. Kasi gano’n kapag fan eh, ako fan rin naman ako ng ibang tao pero mas ina-idolize mo ang isang tao kapag nakikita mo na siya. So ayun siguro, ayun ang natutunan namin na tatanggapin nila kami, kahit na ano pa,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Kathryn sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan ni Daniel.

Ayon pa sa dalaga ay talagang naging bahagi na ng kanilang buhay ang KathNiel supporters. “Actually nag-grow kami ni DJ individually and also together as a team, as a love team and alam mo ‘yung nakakatuwa, kasi kasama namin nag-grow pati ang mga fans and ‘yon ang sinasabi namin sa kanila palagi na dapat, sabay-sabay kami sa lahat and ayun nakakatuwang makita na ‘yung iba naka-graduate na. ‘Yung iba nagtatrabaho na and ‘yung iba may pamilya na. Parang ‘yung journey na ito, parte talaga sila. Nakakatuwa lang talaga na hanggang ngayon nandiyan pa rin sila. Parang walang nagbago. Napakaswerte namin,” pagbabahagi ng aktres.

‘Hindi ako kabit’ – Barbie

May bulung-bulungan na si Barbie Imperial diumano ang naging dahilan ng paghihiwalay ni Carlo Aquino at kasintahang si Trina Candaza. Matatandaang nagkahiwalay ang dating magkasintahan noong isang taon. “Kailan ba sila nagkahiwalay? Last year pa, tapos nagka-movie kami na Carlo this year lang. Ako na naman sinisisi n’yo? Parang ‘yung mga tao gigil na gigil na maging kabit ako. Parang every time na may nagbi-break, ako talaga. Pero wala namang proof na ako talaga ‘yon. At saka hello, hindi ako kabit,” paglilinaw ni Barbie sa kanyang YouTube channel.

Aminado ang aktres na talagang naaapektuhan na rin siya sa tuwing may mababalitaan na siya ang naging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon. “Siyempre tao lang din naman medyo nakakaapekto rin siya ng mood. Ako kasi I make sure na hindi siya pumapasok sa utak ko, lahat ng mga sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal-tagal na rin ako sa showbiz, kaya medyo sanay na rin ako,” pahayag ng aktres.

Hindi na bago kay Barbie ang pagkakaroon ng online bashers. Para sa aktres ay nakakatulong na rin sa kanya kahit paano ang mga negatibong salitang binibitawan ng netizens tungkol sa kanya. “Very thankful ako na may mga namba-bash sa akin. Especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas nako-correct ko siya. At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, okay, if you’re saying this about me, panoorin mo ako, mag-i-improve ako,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with