^

PSN Showbiz

Mayor Vico aminadong ‘di kayang umarte tulad ni Tali; Tiong Bahru nina Kathryna Pimentel, lima na agad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico aminadong âdi kayang umarte tulad ni Tali; Tiong Bahru nina Kathryna Pimentel, lima na agad!

Naka-chika namin sandali si Pasig Mayor Vico Sotto sa grand opening ng 5th branch ng Singaporean resturant naTiong Bahru, sa Capitol Common in Pasig last Sunday.

Isa sa mga may-ari nito si Ms. Kathryna Pimentel, wife ni Senator Koko Pimentel.

At kasama sa nag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng 5th branch sina Mayor Vico, Sen. Koko, at Singaporean Ambassador Gerard Ho at iba pa.

Isa itong authentic Singaporean restaurant kaya tinanong namin si Mayor Sotto kung ano ang favorite niyang kainin. “Chicken ang isa sa favorite ko na pagkain kaya tuwang-tuwa po ako na meron na nito ngayon, authentic na hainanese chicken. Yes, multi awarded,” aniya dahil Michelin Bib Gourmand Awardee ang nasabing restaurant for five consecutive years.

“Ang daming bago, nakakatuwa dahil dalawang taon tayong walang mga restaurant na bukas. Nung unang nagbukas ang hina ng mga kainan natin. Pati yung retail medyo hirap kaya nakakatuwa dahil ang dami na ngayon, bumabangon na tayo, ibig sabihin nakakabawi na tayo mula sa COVID,” masayang kuwento pa ni Mayor Vico.

Samantala, natanong din namin siya kung anong masasabi niya na nag-aartista na rin ang kapatid niyang si Tali?

Siya ba walang plano? Sama-sama nga sina Bossing Vic, Pauleen at Tali sa Love Bosleng and Tali.  “Oo nga eh, as her older brother as her kuya I’m very proud of her.”

So may chance ba na magkaroon siya ng special appearance sa nasabing programa? “Naku wala, hanggang VTR lang ako. Yun ang hindi ko namana sa mga magulang ko. Alam naman nila yun.”

Anyway, umaasa si Mayor Vico na magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng lahat lalo na nga at sa opening pa lang nitong Tiong Bahru, pila agad ang mga gustong kumain.

Nagbukas ang Tiong Bahru noong kalagitnaan ng pandemic pero pumatok ito.

Nag-umpisa lang ang lahat nang kumain sila sa Tiong Bahru sa Singapore ayon kay Ms. Kathryna.

Nasarapan sila kaya nag-decide sila ng mga partner niya na dalhin ito sa Pilipinas.

Pero biglang nagka-pandemic. Itinuloy nila at nagulat na kahit pandemic ay ang lakas nito.

Ang Tiong Bahru ang pinagkakaabalahan ni Ms. Kathryna sa kasalukuyan.

Hindi man siya pinalad sa nakaraang election bilang nominee sa PDP Cares Partylist, walang nararamdamang bitterness si Mrs. Pimentel.

Pakiramdam niya ay hindi pa ito ang oras sa kanya.

Ang importante raw ay tuloy ang pagtulong ng PDP Cares.

Priority pa rin niya ang mga ina dahil na rin sa  hirap na pinagdaanan niya nang ipanganak ang panganay nilang si Helena nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Nabanggit niya noon sa isang interview na umabot pa siya sa puntong nagbilin na siya sa mister na senador na kung kailangang mamili sa kanila ng panganay nilang anak, ang piliin nito ay ang kanilang baby. “Ang life natin is puwedeng kunin sa atin anytime so we have to make the most of it and as much as possible, tumulong tayo sa tao.”

May mga pagkakataon din na siya ang dumadalo sa mga commitment ni Sen. Koko sa probinsya.

Siya rin ang treasurer ng Senate Spouses Foundation Inc. Si Ms. Audrey Zubiri ang president at si Ms. Gladys Villanueva (Vice President), Tootsy Angara (Secretary) and Kathryna (Treasurer).

Although kasama raw nila sa chat group si Mariel Rodriguez na misis ni Sen. Robin Padilla, pero hindi pa raw nila ito nakakasama sa meeting.

Bago ang branch sa Estancia ay meron na silang branch sa Makati, Quezon City, Uptown BGC and Global City.

Ayon kay Ms. Kathryna, best seller ang Hainanese Chicken rice. “And then the roast chicken is also good. Masarap siya kasi meron kaming iba’t ibang sauce. May ginger, may chili ginger and then yung hoisin sweet na sauce and masarap din samin yung fish and curry. Then meron din kaming gulay-gulay na singapore style.”

 

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with