^

PSN Showbiz

Rocco, kabado na sa panganganak ni Melissa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rocco, kabado na sa panganganak ni Melissa
Melissa Gohing at Rocco Nacino

Two weeks from now ay due na ni Melissa Gohing, kaya excited na si Rocco Nacino na malapit na siyang maging Daddy.

Pero makakasabay nito ang pagbabalik taping niya para sa Maria Clara at Ibarra. Kaya sana mapagbigyan daw siya ng paternity leave kahit ilang araw lang niyang makasama muna ang kanilang baby boy. “Ito yung sinasabi ni Dennis (Trillo) na time management. Of course, bread and butter ko to, and priority ko pa rin siyempre na mag-commit sa show na to.

“I mean, the production is good enough to grant me paternity leave. Pero mukhang kailangan ko yata i-shorten kasi papasok na ang mga eksena ko.

“Kailangan ko na pong ibigay ang buong oras ko sa Maria Clara. Pero I think magtutugma naman po.

“Mukhang darating naman po before ako pumasok. So, kahit three days na makasama ko si baby, maiuwi ko lang sila puwede na kong sumabak sa taping,” pahayag ni Rocco sa nakaraang media­con ng Maria Clara at Ibarra na magsisimula na sa GMA Primetime sa October 3.

Sa ngayon ay nakatutok muna raw siya kay Melissa dahil may Diabetes na ito, Hypothyroidism at may iba pang sakit na nararamdaman ang kanyang asawa na normal naman daw para sa isang nagdadalangtao. “So, ako tagabuhat sa kanya and everything. Kaya lahat ng ginagawa ko ngayon, sa bahay lang ako.

“So, pag kaya ko at umabot si baby before mag-taping, iyun ang best time,” pakli ni Rocco na gumaganap bilang si Elias sa Maria Clara at Ibarra.

Nandiyan pa rin daw ang kaba pero excited sa pagdating ng kanilang baby boy na ayaw pang sabihin ni Rocco kung ano ang napili nilang name.

“Kabadong kabado. Ito nga ang mga tatanungin ko si Dennis, si Juancho (Trivino). Hihingi ako ng tips sa kanila kung paano mag-manage. Kasi kahit nurse man ako, feeling ko pagdating niya, mabablanko ako e,” sabi pa ni Rocco.

Dingdong tuloy ang gagawing teleserye

Ang saya ng Family Feud nung nakaraang Biyernes na kung saan naglaro ang grupo ng Start Up Ph na nagsimula na kagabi.

Ka-team ni Alden Richards sina Jeric Gonzales, Royce Cabrera at Kaloy Tingcungco. Natalo sila ng team nina Bea Alonzo, Jackie Lou Blanco, Ayen Munji at Brianna.

Aliw na aliw ang mga fans, kaya naka-12.9 percent ang rating nito.

Nasa Amerika si Dingdong Dantes nang na-finalize na extended uli ang toprated game show niya.

Sa pagkakaalam namin hanggang June 2023 ang kontrata. Pero sabi ng Senior VP for Entertainment TV na si Ms. Lilybeth G. Rasonable; “Ituluy-tuloy na natin yan. Habang nagbibigay tayo ng kasiyahan, nakakatulong din tayo kasi ang mga televiewers di ba, they can participate and also win.”

Samantala, nilinaw na rin ni Ms. Lilybeth na kahit tuluy-tuloy ang Family Feud ni Dingdong, may gagawin pa rin siyang drama series at naka-schedule na raw ito. “May plano,” pakli ng GMA executive.

“May schedule na rin kung kailan mag-uumpisa. It’s just a matter of time management for him. Pero kaya yun. Napag-usapan naman with Dingdong,” dagdag niyang pahayag.

ROCCO NACINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with