^

PSN Showbiz

Joross, aminadong ‘di pang-leading man ang humor

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joross, aminadong �di pang-leading man ang humor
Joross Gamboa.

Malaki ang pasasalamat ni Joross Gamboa sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. Ngayon ay kabi-kabila ang proyekto ng aktor sa Kapamilya network. Bukod sa teleseryeng Flower of Evil at sitcom na My Papa Pi ay mapapanood muli ang Hoy, Love You! na pinagbibidahan ni Joross at Roxanne Guinoo. Mapapanood na simula Sept. 30 ang pangatlong season ng naturang iWantTFC series. “Sobrang blessed ng nararamdaman ko talaga. Kasi galing ako sa aksidente, naputol ‘yung achilles ko. Nawalan ako ng mga movies, nawalan ako ng teleserye, pero pinag-pray namin. Hindi kami nagpi-pray na humihingi, puro thanksgiving ‘yung ginagawa namin. Puro pasasalamat lang pinagdadasal namin. Sobrang overwhelming lang kasi si God talaga bini-bless-an tayo,” nakangiting pagbabahagi ni Joross.

Taong 2004 nang magsimula si Joross bilang contestant ng Star Circle Quest. Hindi man pinalad na manalo sa dating reality show ay nagkasunud-sunod naman ang mga pelikula at programa sa telebisyon ni Joross mula noon. Wala umanong problema sa aktor kung kadalasan ay supporting role lamang ang kanyang ginagawa. “Never kong pinangarap na sumikat. Ang nakikita ko na itong binibigay sa ‘kin ay trabaho to provide for my family. Kung simpleng role lang, mahilig akong mag-cameo, mag-extra, okay lang sa akin. If its their time to shine, kumbaga willing ako mag-support. Hindi ito pasikatan eh. ‘Yon ang na-realize ko sa industriya. Hindi ito sa kung sino ang sikat. Merong time para mag-shine ka. Merong iba magsa-shine at suportahan mo dapat sila,” makahulugang paliwanag niya.

Aminado rin si Joross na hindi pang-leading man ang kanyang humor. Hinding-hindi raw magbabago ang aktor sa kanyang istilo ng pagpapatawa para sa mga manonood. “’Yung pagiging makulit, ‘yung humor, hindi ko mabitawan. Eh kailangan ‘pag leading man iba ang dating. The way you talk,” pagtatapos ng aktor.

Wilbert, napatalon sa sinabi ng Miss International Queen

Hindi halos makapaniwala si Wilbert Ross nang malaman na siya ang crush ni Fuschia Anne Ravena.

Isang mala­king karangalan umano para sa dating Hashtags member na mati­puhan siya ng Miss International Queen 2022. “Nakakataba po ng puso. Sa dinami-dami ng actor sa Philippine showbiz, ako po ang napili niya na maging showbiz crush. Napatalon ako no’n eh. Nandiyan naman sina Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla kaya parang napatanong ako. ‘Hala! Bakit ako?’ in a good way. Nakakatuwa kasi nag-a-admire sila sa akin. Salamat, salamat,” kwento ni Wilbert.

Ilang sexy movies na ang nagawa ng aktor at napapanood sa pamamagitan ng Vivamax.

Maraming mga kalalakihan din ang humahanga at binabansagang ‘lodi’ si Wilbert dahil sa mga bagong pelikulang nagawa ng binata. “Marami akong nakikitang comments na idol ang tawag nila sa akin. Kasi parang ‘yung mga pinagnanasaan nilang babae sa Vivamax, kumbaga halos required na dumaan sa akin. Pero alam ko sa sarili ko na wala lang. May nabasa akong comment na tuwang-tuwa po ako. Papanoorin niya raw ako hindi dahil sa paghuhubad ko but because of my comedy. May nababasa rin ako na makikita na naman daw ‘yung puwet ko. Para sa akin okay lang. It’s good kasi the main thing about sexy movies is to make the people malibugan. Ibig sabihin effective ako,” nakangiting paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOROSS GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with