^

PSN Showbiz

GMA, maglalabas ng statement sa hiwalayan nina Heart at Chiz?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
GMA, maglalabas ng statement sa hiwalayan nina Heart at Chiz?!
Heart
STAR/ File

Aktres/Queen of collab umiyak, tumawa, habang sinusuot ang milyun-milyong halaga ng kuwintas!

Kumpirmado na raw...

Ang GMA 7 daw ang maglalabas ng official statement para kumpirmahin ang hiwalayan nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista.

Ang GMA ang home network ni Heart at ang Artist Center ang may hawak ng career nito at hanggang sa kasalukuyan ay may management contract pa diumano ito sa talent arm ng GMA 7 ayon sa isang insider ng network.

Maayos daw ang paghihiwalay ng dating mag-asawa ayon pa sa nasabing reliable source.

May nagbigay na rin daw ng advice kay Heart na ‘take the high road’ at ‘wag nang tumulad sa ibang ginagawang ‘diary’ ang social media.

Generation gap diumano ang rason ng sinasabing hiwalayan ng mag-asawa pero sabi nga ni Nay Lolit Solis bakit naman sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, hindi nagkaroon ng ganyang usapin.

Thirty-four years ang age gap nina Bossing Vic and Pauleen.

Fifteen years lang ang age gap nina Sen. Chiz at Heart, 52 ang senador at 37 si Heart.

Samantala, nag-create ulit ng iba’t ibang speculation ang pagiging emosyonal ni Heart habang sinusuotan siya ng Bvlgari necklace na parang kung ilang milyon ang halaga para sa isang magazine pictorial.

Iba’t iba ang interpretation sa nasabing IG story   at ikinokonek pa rin sa hiwalayan nila ng asawang senador.

Umiiyak si Heart pero may part na tumatawa rin siya.

Nagkaroon ito ng magulong reaction mula kanyang followers.

May nagsabing baka naman kasi first time nakapagsuot ng ganun kabonggang necklace ng Bvlgari si Heart na ini-endorse nina Anne Hathaway at Lalisa Manobal ng Blackpink. At ‘yung necklace na sinuot niya ay the same necklace sa sinuot ng actress na si Zendaya. Kilala ring mukha ng Bvlgari si Priyanka Chopra.

Or baka naman daw talagang naisip niyang mabibili na niya ‘yun dahil ngayon ay wala nang magbabawal sa kanya sa mga ginagastos niya.

“It was a moment,” ang sabi ni Heart na andun din ang magagan­dang kuha niya habang nagpi-pictorial.

Anyway, back to normal si Heart sa kanyang social media updates.

Umaapaw pa rin ang mga endorsement niya na ina-upload at hindi mo nga malaman kung nasaan siya dahil sa iba’t ibang post.

Nauna na ngang sinabi ni Heart na “I’m not gonna lie, I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.

“I’m not gonna deny that I’ve been going through some personal struggles... I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in search of just being happy,” pag-amin ng aktres sa kanyang recent YouTube vlog.

Huwag naman daw asahang magsasalita ang pulitiko ayon naman sa isa pang source dahil gusto nitong maging pribado ang lahat.

Ahh, wait na lang natin ang official statement. Anytime raw ito ayon pa sa reliable source.

CHIZ

HEART

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with