^

PSN Showbiz

Joshua, naghanap ng english para sa TikTok superstar na si Bella Poarch!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua, naghanap ng english para sa TikTok superstar na si Bella Poarch!
Joshua Garcia.

Cute ng interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN kay Joshua Garcia tungkol sa inamin ng TikTok superstar, na may 91.4 million followers at may 2.2 billion likes, na crush siya nito sa interview din ni MJ.

Kinikilig-kilig ang Kapamilya aktor at inaming naghanap pa siya ng English pero sinabi naman daw ni Bella na nagta-Tagalog siya.

“She posted me rin in her TikTok at nag-comment ako dun,” sabi ni Joshua.

Nagkakausap na rin daw talaga sila. At matagal-tagal na.

“Nakakataba lang din ng puso. Kasi ako, siyempre, I’m happy na may nagsu-support or humahanga sa akin,” chika ni Joshua sa TV Patrol.

Plinano na rin daw nilang magkita pero laging hindi natutuloy.

“Parang June yata, dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy ‘yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. So parang... Tapos parang July daw yata, pupunta siya (ng Pinas), pero hindi rin naman natuloy. So, hindi natin alam…”

Dagdag pa ng isa sa mga bida sa Darna na magkaibigan sila ngayon at hindi lang basta hi and hello ang kanilang pag-uusap. “May kaunting katanungan.”

Excited din siyang ipasyal si Bella na isang Fil-Am at kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles na magpa-Pasko sa bansa.“Sana makita kita, pakita ka sa akin,” mensahe pa ng Kapamilya aktor.

Maaalalang si Julia Barretto pa ang last girlfriend ni Joshua na ngayon ay napapabalitang nagkakaroon ng problema sa relasyon nila ni Ge­rald Anderson.

But anyway, si Bella kaya ang dahilan kaya nag-TikTok si Joshua na 7 million agad ang followers samantalang 9 videos pa lang ang nai-upload niya.

Malaking teleserye, nag-adjust sa character ng actress

Matindi raw talaga ang pinagdaraanan ng isang malaking TV show na dapat ay eere na.

Kumpirmadong ni-reshoot ito dahil hindi inaprubahan ng mga producer na partner para sa nasabing teleserye.

Kaya kailangan daw i-reshoot ang ibang eksena ng aktor at patandain ang hitsura nito para bumagay sa kanyang leading lady na matured na raw para sa kanyang role.

Bukod pa sa hindi raw na-impressed ang foreign counterpart sa production dahil feeling nila ay parang tinipid.

Grabe sayang naman ito.

Imagine ang tagal na itong ginagawa pero hindi pa rin matapus-tapos.

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with