^

PSN Showbiz

COVID tuloy ang pagkakalat sa mga sosyalan, alyssa na-dengue sa bakasyon kasama ang mga PBB classmate

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
COVID tuloy ang pagkakalat sa mga sosyalan, alyssa na-dengue sa bakasyon kasama ang mga PBB classmate
Samantha at Alyssa.

OA pa rin ang COVID. Sunud-sunod ang mga nahahawa kahit nag-iingat.

Kasama sa mga nadagdag sa nagka-COVID sina Senators JV Ejercito and Nancy Binay.

May isang friend din ako na nahawa at matindi ang sintomas niya, nilalagnat, may ubo at sipon.

Kumpleto siya ng bakuna, kasama na ang booster.

Pakiramdam niya, sa mall siya nahawa, nang mamili siya ng mga gamit sa eskuwelahan para sa kanyang anak, sa isang sosyal o high-end mall.

Pero bukod sa COVID na parang sa mas sosyalan nagkalat, may banta na rin ng monkeypox sa bansa.

Kahapon ay inanunsyo ng DOH na may dalawang bagong kaso ng monkeypox kaya’t sa kabuuan ay meron nang tatlong kaso ng monkeypox sa Pilipinas ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Kakatakot din ang dengue.

Ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez ay na-dengue kaya nagkaroon ng announcement kahapon na hindi ito makakalaro sa Creamline sa  AVC Cup for Women na gaganapin sa Aug. 21 to 29 sa PhilSports Arena in Pasig City.

Kagagaling ng Palawan ni Alyssa kasama si Samantha Bernardo, Miss Grand Philippines 2020 at Pinoy Big Brother 3rd Big Placer.

First placer si Alyssa sa batch nila sa PBB.

Kasama nila sa Palawan si Eian Rances. “Celeb­rating life with the most unexpected people I met inside the pbb house,” post ni Samantha.

So sa Palawan na-dengue si Alyssa?

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with