^

PSN Showbiz

Star Magic Artists, may training at immersion sa Hollywood

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Star Magic Artists, may training at immersion sa Hollywood
Kim, Andrea, Belle at Donny
STAR/ File

Hanggang Aug. 22 pa raw sa Los Angeles, California ang karamihan ng Star Magic artists na nakasama sa Beyond The Stars US concert tour.

May training and immersion pa raw sila sa lugar na ‘yon.

Nang tanungin namin ang isang taga-Star Magic kung ipalalabas din ba sa ABS-CBN ang training and immersion na ‘yon, ang sabi ay hindi pa raw sure.

Naku, kapag ganoon ang sagot, feeling ko ay mapapanood ‘yon sa Kapa­milya Network.

What do you think, Ateng Salve?

Anyway, noong Monday night ay natuloy ang mga taga-Star Magic sa kilalang Japanese restaurant sa Hollywood, ang Yamashiro.

Maraming mga Pinoy na nagpunta roon dahil nalamang may “something” sila sa lugar na ‘yon.

Bongga!

Tom, nagkasakit!

Ang sweet ni Tom Rodriguez, huh!

Kahapon ay nag-DM (direct message) siya para magpasalamat sa mga naisulat namin tungkol sa partisipasyon niya sa Miss Philippines USA ng fashion designer na si Ms. Lou Razon na ginanap sa Alex Theater in Glendale, California noong Saturday evening.

Sabi ng Kapuso actor, hindi siya masyadong nakakapag-check ng social media lately dahil panay tulog lang siya.

Nagkasakit daw kasi siya after na mangga­ling sa California. Nasa Arizona na si Tom.

Get well soon, Tom!

KC, madalas sa beauty clinic

Si KC Concepcion sa anniversary event ng iSkin Med Spa Beverly Hills on Aug. 27.

Ang panganay na anak ni Sharon Cuneta ang official endorser ng nasabing beauty clinic sa California.

Madalas magpunta sa nasabing beauty clinic si KC at minsan nga ay nakasabay namin siya sa lugar na ‘yon.

As of now, nakatakda kaming mag-cover ng event na ‘yon at hopefully ay makachikahan namin si KC.

‘Yun na!

HOLYWOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with