^

PSN Showbiz

Mga baguhang artista, malabo nang sumikat!

TAKE IT TAKE IT - Pilipino Star Ngayon

Nakakatakot naman na ang dami yatang projects ang hindi natuloy.

Nakakatakot dahil may problema na sa mga sinehan, manonood, kaya siguro pinag-aaralan mabuti bago gawin.

Ang TV na lang talaga ang puwede nilang maging major platform kaya nga medyo snobbish na rin ang mga producer ng mga show sa TV.

Naku, ngayon lang nangyari ang pandemic na ito sa showbiz. Baka nga dahil din sa economic condition apektado ang lahat.

Kawawa nga mga bagong talent na nawalan ng chance na makita sa movies at mag-shine, dahil nga tahimik ngayon ang paggawa ng pelikula dahil sa mga nangyayari.

Mabuti nga iyon mga A-list dahil kilala pa rin like Dingdong Dantes, pero iyon iba wala na, limot na.

Naku, mabuti pa iyon bigay na bulaklak ni Alden Richards, hanggang ngayon buhay pa.

Kaya si Alden kabilang din sa mga suwerte na survivor ng showbiz pandemic. Bongga!

Ibang nagpapa-dialysis, adjusted na sa kanilang buhay

Nagpa-dialysis na naman ako kahapon.

At alam n’yo ba na nahihiya ako sa sarili ko kung bakit parang naiinis ako na makita na parang ang saya ng mga kasama ko na nagpapa-dialysis. Parang welcome na sa kanila iyon treatment, eh ako naiirita.

Para bang bakit ba kailangan ito eh ganundin naman, hindi ka naman yata gagaling.

Naku ako talaga ang pinaka-nega sa lahat ng pasyente ng dialysis center, talagang malaking inis para sa akin ang apat na oras sa isang araw ako andito para sa dialysis, na dapat twice a week pa.

Talagang gusto kong sumigaw ng Darna at lumipad palabas ng hospital.

Talagang minsan gusto ko nang mag­hasik ng lagim, hitsurang mas maingay sa filmfest scam na ginawa ko.

Kaloka, talagang umiiral na naman kagagahan ko. Hahahaha.

ARTIST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with