^

PSN Showbiz

John, nakita ang malaking pagbabago ni Coco

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John, nakita ang malaking pagbabago ni Coco
John Estrada.

Hanggang kahapon ay nagte-trending ang pagtatapos ng Ang Probinsyano, at iba-ibang opinyon at komento ang mga itini-tweet ng netizens.

Pero karamihan ay nagpapasalamat na natapos na rin finally ang longest tele­serye na pinagbidahan ni Coco Martin.

Nakapanayam namin si John Estrada sa aming programa sa DZRH kamakailan lang at sobrang nagpapasalamat siya na naging bahagi ng naturang teleserye.

Lalo siyang bumilib kay Coco dito lalo na raw sa pagdidirek nito, kung paano niya napatagal ng pitong taon ang Ang Probinsyano. “Isang karangalan talaga. It’s a privilege to be part of the longest running TV series no? Ang FPJ Ang Probinsyano nga. I’m sure lahat kami iyan ang nararamdaman.

“Meron ngang biru-biruan e. Sabi nga e, hindi makumpleto ang pag-aartista mo ‘pag hindi ka nag-guest sa Ang Probinsyano,” birong pahayag ni John.

Pang-apat na beses na raw itong trabaho niya si Coco, pero ang laki raw ng ipinagbago nito at tama nga raw ang nakikita niya sa aktor na malaki ang maiambag nito sa industriya. “Co, is always close to my heart. Matagal ko nang sinasabi sa taong ‘yan, hindi pa siya Coco Martin. Hindi pa siya ganito ka-superstar, sinabi ko, ‘alam mo sa ugali mo at sa kung paano mo binibigay ang puso’t damdamin mo sa isang project ay malayong-malayo ang mararating mo. I’m just really proud of him.

“Ang laki nang talagang…you know, from our last teleserye which is Ikaw Lamang to now, nakita ko ‘yung growth ni Coco, hindi lang as an actor, you know ano siya talaga, talagang all-around siya.

“Henyo siya sa larangan ng series, pelikula, talagang siya na. For me, bilang artista, I’m so glad that we have somebody like Coco Martin in the industry,” papuri pa ni John.

Ngayon ay gusto raw muna niyang makasama ang pamilya niya dahil ang tagal niyang na-lock in sa Ilocos, kaya babawi raw siya sa kanyang asawa at mga anak. “I’ll give time to my family. Magpapasukan na naman. Papasok na ang anak namin. Ang asawa ko busy rin sa anak namin sa preparasyon, sa pasukan. Siyem­pre naman, tuwing umuuwi naman ako rito, ‘pag break namin after lock-in namin ng isang buwan, I make it a point na ilalabas ko naman ang mag-ina ko, and mga anak ko.

“Babawi talaga ako ng malaking bawi, kasi halos seven months yata ako na hindi nakita,” mataman niyang tugon.

Ruru, iba ang sumalubong pagkagaling ng Korea

Nagulat naman si Ruru Madrid pagbalik niya ng Pilipinas galing South Korea nang salubungin siya sa airport ni Croc Man.

Itong si Croc Man ang nag-iikot sa Kamaynilaan at nagpapa-game sa mga taong nagpapa-selfie sa kanya.

Tuwang-tuwa si Ruru dahil Lolong na ang bati sa kanya ng karamihan.

Nagiging emotional na nga raw siya minsan dahil hindi niya akalaing masusulit nila ang lahat na hirap at challenges na pinagdaanan nila sa taping ng Lolong. “Galing po tayo sa pandemya. Na-stuck po sa ating mga bahay for how many months. Hindi natin alam what’s happening outside.

“Ngayong nakagawa tayo ng project in the middle of pandemic, it was so hard. Siyempre, iniisip po namin ‘yung safety ng bawat isa.

“Masaya po kaming lahat sa reception ng mga tao.”

JOHN ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with