^

PSN Showbiz

Matteo iniyakan ang biro tungkol kay Maja, Alex tinalakan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matteo iniyakan ang biro tungkol kay Maja, Alex tinalakan!
Matteo at Alex.

Pinagdiinang si Sarah lang ang one and only...

Sosyal ang Lunch Out Loud simula nang maging pre-programming ng It’s Showtime.

Sunud-sunod ang trending issue sa kanila.

Una ay ang tungkol sa Super Junior kung saan tinanong sa segment na Maritest : ‘Sa mga K-pop group, sinong boy group ang nag-cancel ng concert recently dahil pumanaw ang ama ng isa sa mga miyembro?’

Tama naman ang sagot ng komedyante na si Pooh. Pero na-offend ang fans ng Super Junior dahil masyado raw insensitive ang question at ginawang katatawanan ang isang malungkot na sitwasyon ng kanilang idolo.

Comment kasi ni Wacky na isa rin sa mga co-host sa programa na “Mahilig pa naman si Pooh sa mga Super Junior.”

Si Alex Gonzaga ang host that time ng nasabing segment na tungkol sa latest ‘marites.’

At kahapon ay trending na naman ang LOL dahil sa guesting ni Matteo Guidicelli.

Ilang araw din kasing nasa LOL si Matteo at parang binibiro ito sa isa sa regular dancer ng LOL na si Laboching at ganundin ang tungkol sa ex ni Matteo na si Maja Salvador at si Alex sa former Callalily frontman na si Kean Cipriano.

Maayos naman actually ang lokohan nila habang nagpo-promote ng show ni Maja sa TV5 na Oh My Korona.

Si Alex lang ang naunang nag-ungkat kay Maja pero pumatol naman kasi si Matteo sabay promote ng programa ni Maja.

Pero sa episode kahapon hindi si Matteo nakatiis. Sinopla niya si Alex. “May konting mensahe po ako sa tropang LOL, especially sa ’yo Alex. Napanaginipan ko ito kagabi at nag-pray ako, na tigilan na natin ang magbiro sa mga asawa natin kay konsehal at sa asawa ko dahil mga ‘ex’ na yan eh. Kagabi umiyak na talaga ako dahil sa ’yo. Nasasaktan ako para sa asawa ko. Irespeto na lang natin ang mga asawa natin,”

Pero sumagot naman si Alex na naging sensitive noong nakaranas ng miscarriage ng ‘Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.’

Marami rin namang nakaintindi kay Alex. Pero andami ring nag-agree kay Matteo.

Baka kasi naapektuhan si Sarah Geronimo kaya na-bother si Matteo at talagang pinagsigawan ni Matteo sa ending ng LOL na mahal na mahal niya si Sarah at nag-iisa lang ito sa buhay niya. “Sa mga kasama ko sa bahay, Love, you’re watching, love you so much. You’re the one and only,” paniniguro ni Matteo.

Ahh, si Sarah na kaya raw ang susunod na aaming preggy na rin?

Or baka naman talagang sobrang takot lang si Matteo sa misis?

ALEX GONZAGA

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with