Jessy at Luis, hihintayin munang lumabas ang anak bago ituloy ang church wedding
“Say hello to the world, our little Peanut!,” post ni Jessy Mendiola na exposed na ang maumbok na tiyan kasama ang isang sonogram.
Ang dami naman agad nilang natanggap na nag-congratulatory messages sa nasabing post ni Jessy na inaming church wedding sana ang plano nila ng Luis Manzano na ‘di muna nila itutuloy hanggang ‘di dumarating ang kanilang first baby.
“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” sabi ng aktres na matagal-tagal na ring hindi aktibo sa showbiz.
- Latest