^

PSN Showbiz

Snooky hindi na pagong, first time makakatrabaho si Ate Guy!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Snooky hindi na pagong, first time makakatrabaho si Ate Guy!
Snooky at Nora.

Alam mo ba, Ateng Salve, kung ang kapwa niya Regal Babies at Underage beauties na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie ay nakatrabaho na ang Superstar na si Nora Aunor, aba, si Snooky Serna, ngayon pa lang makakasama ang ating National Artist, huh!

Sobrang excited nga raw si Snooky na magkakasama sila ni Mama Guy sa pelikulang Ligalig.

Ang AQ Prime ang producer no’n, pero hindi raw sa streaming app nila ipalalabas ang pelikula nina Mama Guy at Snooky. Sa mga sinehan daw.

Sa Aug. 16 na nga raw sila magsisimulang magshu-shooting at thankful talaga si Snooky dahil noong ‘90s pala, may pelikula raw sana sila na pagsasamahan ni Mama Guy, pero shelved daw ‘yon. Actually, nakailang shooting days na nga raw si Snooky at si Direk Elwood Perez raw ang kanilang direktor.

Mukhang excited din daw ang Superstar na makasama si Snooky sa isang project dahil noong contract signing nila, 6:00 p.m. daw ang calltime, pero 5:20 p.m. pa lang ay dumating na si Mama Guy at si Snooky ang una niyang hinanap. In fairness, before 6:00 p.m. naman daw ay duma­ting ang aktres na hindi na talaga babagal-bagal ngayon.

Bongga!

Nang magkita nga raw sina Mama Guy at Snooky, nagyakap at sobra silang nag­tsikahan.

So nice!

Teka! Pareho namang nasa GMA 7 sina Mama Guy at Snooky, bakit hindi na lang sila pagsamahin sa isang teleserye after nitong Ligalig?

Puwede!

MIM, sold-out din sa Japan

Ka-chat ko kahapon si direk Darryl Yap na nasa Japan kasama si Cristine Reyes. Um-attend sila sa international screening ng pelikula nilang Maid in Malacañang.

Sey ni Direk Darryl, sold-out daw ang tickets sa 8 screenings ng kanilang pelikula.

Wow na wow!

Hanggang sa Monday pa sina Direk Darryl at Cristine sa Japan, kaya siguradong maisisingit din nila ang pagsa-shopping.

Ang next nilang pupuntahan ay Dubai, United Arab Emirates at may mga lugar din sa Australia. Makakasama roon ang majority ng cast ng Maid in Malacañang na nagpasigla uli ng local movie industry natin dahil certified blockbuster hit ito at hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan.

‘Yun na!

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with