^

PSN Showbiz

Liza, tameme pa sa gagawing Hollywood movie!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Liza, tameme pa sa gagawing Hollywood movie!
Liza Soberano.

Wala pa ring kumpirmasyon na nanggagaling sa kampo nina Liza Soberano at manager nitong si James Reid tungkol sa speculations na makakasama si Liza sa upcoming movie na Lisa Frankenstein na bida ang American actors na sina Cole Sprouse and Kathryn Newton.

Nag-umpisa ang ispekulasyon tungkol dito sa pag-tag kay Liza ni Jessie Stafford ng event production agency na JSLA Events sa isang Instagram Stories noong Agosto 9.

Although naka-tag din sa nasabing IG story ang Transparent Arts na nagha-handle kina Liza at James Reid.

Nag-congratulate rin ang fan page ni James kay Liza: “Congratulations Careless Artist’ @lizasoberano for landing a role in Focus Features’ Lisa Frankenstein! Written and produced by Oscar winner Diablo Cody, produced by Mason Novick, starring Cole Sprouse and directed by Zelda Williams.starring Cole Sprouse and directed by Zelda Williams.”

Pero nang i-upload ito ng Holywood actor na si Cole Sprouse sa kanyang IG story si Kathryn Newton lang ang naka-tag.

Though parehong naka-follow kay Liza sina Cole and Kathryn sa Instagram na nagpapalakas ng isyu na pasok nga si Liza sa nasabing Hollywood film.

Ang ispekulasyon din ng iba, baka naman nagiging assuming lang ang fans o ‘di kaya’y nagkamali lang ang tagging kay Liza.

Pero kung totoo ito, masaya ang fans at tiyak itutuloy nila ang pagpapa-trend sa alaga ni James Reid.

Well ang isang sure, umingay si Liza sa social media since i-manage siya ni James.

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with