^

PSN Showbiz

Sarah G at Mimiyuuuh, nag-collab sa TNT

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah G at Mimiyuuuh, nag-collab sa TNT
Sarah G at Mimiyuuuh.
STAR/ File

Pinagsama for the first time ng mobile brand na TNT si Popstar Royalty Sarah Geronimo at ang YouTube star na si Mimiyuuuh para sa isang music video collab na ang misyon ay magpasaya sa kabila ng pinagdaraanang mga pagsubok sa ating kapaligiran.

Pinamagatang Tuloy Ang Saya, pinapakita ng dalawang endorsers ng TNT sa music video sa pamamagitan ng catchy song and dance kung paano ang mga ordinaryong Filipino ay nakakahanap ng simpleng paraan na manatiling maligaya at productive, powered by TNT – whether ito ay sa pamamagitan ng pagkonek sa kanilang social media, detressing sa TikTok kasama ang co-workers, bonding with friends sa pamamagitan ng online games, pag-aaral ng new things sa YouTube o mag-um­pisa ng small online business.

Malakas din ang LSS nito –  “Sa TNT, tuloy ang saya—kahit nagigipit, dyan tayo kakapit, problema’y maitatawid.”

Kinasabikan din ito pagkatapos ng short hiatus ni Sarah. “Masaya po ako na among my first projects is this music video with Mimiyuuuh na may importanteng mensahe: Kahit ano pa pong pagsubok ang dinaraanan natin, sama-sama natin ‘tong lalagpasan at nandito lang kami ng TNT para ituloy ang sayang makakapitan saan man kayo sa bansa,” Sarah G. said.

On the other hand, hindi naman makapaniwala si Mimiyuuuh na natupad ang isa sa mga nasa bucket list niya, ang maka-collab ang Popstar Royalty.

 “Nagpapasalamat ako sa TNT for this once in a lifetime opportunity to collaborate in a music video with the Popstar Royalty! We had so much fun po shooting this at nakaka-proud po to be part of a project that celebrates the Filipinos’ strength and positivity lalo na during these challenging times. Truly, sa TNT, tuloy ang saya!,” Mimiyuuh said.

Maaaring makisaya ang fans sa pagsali kina Sarah G. at Mimiyuuh sa Tuloy Ang Saya dance challenge at i-share ang kanilang version sa TikTok gamit ang  official hashtag #TNTuloyAngSaya

“Now, more than ever, many Filipinos rely on the internet for their daily dose of saya despite trying times. As we say, ‘Ang taong gipit, sa saya kumakapit,’ that’s why TNT is committed to making available affordable promos to keep everyone connected online, powered by Smart’s nationwi­dest mobile coverage,” pahayag naman ni Francis E. Flores, SVP and Head of Consumer Business Wireless – Individual at Smart.

Recently nga ay inilunsad ang Sulit Afforda­loads’, which include Pantawid 10, SurfSaya 20, and All Data 50 with Free TikTok For All – tatlong offer na swak sa mga pangangailangan ng subcri­bers kahit na nga nagtitipid sila.

Maaaring i-register ng subscribers ang Sulit Affordaloads sa GigaLife App, by dialing *123#, or by purchasing at accredited retailers and sari-sari stores nationwide.

Ang TNT ay powered by Smart na kamakailan ay kinilala sa bansa bilang Best Mobile Coverage Nationwide by Ookla®, ang global leader sa mobile and broadband network intelligence.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with