Ryzza Mae, ‘di marunong magpasalamat!

Ayoko sana isulat ito pero hindi ko lang matiis at gusto kong malaman kung ano ang magiging sagot, Salve.

Alam mo ba na tumira nang halos one year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae Dizon ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar?

Pero never nakaalalang bumati ng birthday o Christmas.

Never man lang nag-thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako.

Para bang utang na loob ko pa na tumira siya nang libre sa condo unit ko sa Timog, QC.

Ayaw kong isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanood ko siya.

Meron palang ganu’ng tao hindi naaalala ang mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganun lang, parang hanging dumaan.

Ok lang, wala namang problema, malay mo one day ako naman ang makitira sa bahay ni Ryzza Mae.

Hahaha.

‘Bato’ ni Jane, balak agawin

Feeling guilty ako na hindi ko na masamahan si Mr. Fu sa aming online show na Take It! Take It! Me Ganon?!

Nag-i-enjoy pa naman ako dun pero talagang physically ‘di ko na kaya.

Nawala na ang pagiging superwoman ko, inagaw na ni Darna ang bato ko, hah hah hah.

Buti na lang type ko si Jane de Leon kaya pumayag ako. Hindi bale, ‘pag talagang healthy na ako, pipilitin ko uli si Mr. Fu na mag-show kami. Masarap siyang kasama dahil wala siyang attitude at very pleasant siya. Talagang mag-e-enjoy ka ‘pag magkatrabaho kayo.

Don’t worry, Mr. Fu, balik work tayo ulit, pagbalik ng magic bato ko, at sisigaw ng “Datung Na,” hah hah hah.

Show comments