^

PSN Showbiz

Juday, napagod sa katatawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday, napagod sa katatawa
Judy Ann Santos

Nagpaalam na sa Magandang Buhay si Judy Ann Santos bilang guest co-host noong nakaraang linggo. Ayon sa aktres ay isang masayang karanasan na maging bahagi ng naturang morning show ng Kapamilya Channel. “Excited ako pero mas nangibabaw ‘yung nerbiyos. Kasi parang ilang taon na akong hindi nagla-live show. Tapos hindi rin naman talaga ako host. Though nagi-guest ako, iba kasi ‘yung guest, iba ‘yung host ka. So alam  kong iba ‘yung responsibility na ‘yon,” bungad ni Judy Ann.

Para sa Young Superstar ay talagang naging magaan ang kanyang trabaho sa show dahil na rin sa kanyang mga kasamahan dito.

Bukod sa mga bumubuo ng Magandang Buhay ay malaki rin ang pasasalamat ni Juday sa mga pangunahing host na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. “Napaka-welcoming kasi nilang lahat. Napakakumportable ng stint ko rito. Ang sarap makipag-usap sa guest. Ang saya ng set, ang gaan ng trabaho. Ang tagal ko nang hindi lumalabas sa TV, ang bilis kong kumalma. Ang bilis nila akong inalalayan. Hindi ako pinabayaan ni Melai, ni Jolina, ng staff. Ang sarap magtrabaho kung setting ganito, ‘yung masaya lang, walang stress. Gusto mo talagang pumasok kasi alam mong uuwi ka nang nakangiti. ‘Yung alam mong pagod ka pero ang saya mo, napagod ka sa katatawa. Parang minsan kasi ‘yon, madalas kasi napapagod ako sa pag-iyak,” paliwanag pa niya.

Ayon pa kay Juday ay siguradong hahanap-hanapin niya ang pagiging host ng isang talk show. “Mami-miss ko ito, mami-miss ko silang lahat. Pero more than anything, grateful talaga ako sa tiwalang ibinigay ng ABS-CBN sa akin at sa lahat ng mga Momshies na nanood at tumutok,” pagtatapos ng aktres.

Martin, naging special dad dahil kay Santino

Ginanap noong July 22 ang Be You: The World Will Adjust concert sa Mall of Asia Arena. Naging espesyal na panauhin si Martin Nievera sa naturang concert.

Naibahagi ng Concert King sa publiko partikular na ang mga nanood sa venue ang tungkol sa kondisyon ng anak na si Santino. Labinglimang taong gulang na ngayon ang anak nina Martin at Katrina Ojeda.

Mahigit dalawang taong gulang pa lamang daw noon ang bata nang ma-diagnose ng autism spectrum disorder o ASD. “We noticed something was different from the age 2 and a half and he was diagnosed with ASD. Our lives were never the same after that. He would hurt himself, hurt the people beside him. He would throw things in places. With all the broken phones and broken dreams, we thought that we have a challenge and reddest of red flags was to see that he had no eye contact. So that’s when we knew something was not right. My son had to go trhough the label autistic for the rest of his life,” pagde-detalye ni Martin.

Para sa singer ay lalong nagkaroon ng kabuluhan ang pagiging ama niya nang dahil kay Santino.

Talagang hindi raw matutumbasan ang pagmamahal ni Martin sa anak. “He has made me a special father. For the rest of my life, I will be learning alongside Santino. I will be hurting and growing alongside Santino. I am proud to say that Santino and I are very close,” makahulugang pahayag ng Concert King. (Reports from JCC)

 

 

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with