Moira, may sintomas ng COVID!
Ang important announcement ng Cornerstone Entertainment tungkol sa talent nilang si Moira dela Torre at sa The Kaliguan Festival na pupuntahan sana ng Kapamilya singer-composer.
“Unfortunately, due to health reasons, Moira will also not be able to perform for the event tomorrow, June 26 (yesterday), at the Kaliguan Festival.
“We deeply apologize for the inconvenience that this will cause and we hope for your kind understanding as we just want to ensure the health and safety of everyone involved.
“She sends her love to everyone and hope to see her kababayans in Cagwait when she is better.”
Tinanong namin ang handler ni Moira, si Mac Merla, tungkol sa kalagayan ng kanyang alaga, Ano sakit ni Moira? at sinagot niya ng, “Ubo and body pains. Pa-RT-PCR swab test kami mamaya.”
Mas gusto raw nila na RT-PCR swab test na para makasigurado pagdating sa COVID-19 kesa sa antigen swab test lang.
Linawin ko lang, Ateng Salve, walang sinabi si Mac na may COVID-19 si Moira, huh!
Kuwento pa ni Mac, “Ang panget ng boses ni Moira no’ng tinawagan ko. Panay ang ubo.”
Naku, sana negative nga sa COVID-19 si Moira at trangkaso lang talaga ang sakit niya.
Praying!
Vice, takot pa ring ma-virus
A-appear na kaya today sa It’s Showtime si Vice Ganda o baka tama ang tsika ng isang source namin na takot ang Unkabogable Star na maglalabas muna bago ang pag-alis niya pa-Los Angeles, California para sa Fully Vice-cinated! US concert tour niya at baka nga naman maudlot ‘yon kung mag-positive siya sa COVID-19.
Last year din naman bago siya pumunta ng US para sa concert tour niya roon ay nag-absent ng one week sa It’s Showtime si Vice.
Anyway, as of yesterday, hindi pa sure kung mamaya ba ang alis ni Vice at ng entourage niya pa-LA.
Ang alam ko, today ang labas ng visa nila at malamang na umalis na sila pa-LA mamayang gabi.
‘Yun na!
- Latest