Rita, ‘di pinakilala ang nakabuntis!

Rita Daniela.

Medyo emotional si Rita Daniela nang aminin niya sa All-Out Sundays na siya ay nagdadalangtao na.

Aniya; “I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just…nag­hanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ipinahayag ni Rita pagkatapos ng kanilang Queendom segment kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at iba pa.

Sumali sina Gabbi Garcia, Kyline Alcantara at Barbie Forteza para makibahagi sa ‘life-changing revelation’ ng singer/actress.

Masaya silang lahat at pawang magagandang mensahe ang ibinigay nila kay Rita.

Sabi ni Julie Anne; “Rita, alam mo actually, nagulat ka­ming lahat. Talaga ba? We’re so, so very, very happy for you and we’re very, very proud of you.

“We all know that you’re going to be a great mother and palagi lang kaming nandito para sa ‘yo.

“Kung may kailangan ka, nandito lang kami and, of course, gusto lang naming na maging masaya ka so we support you.

“We support your happiness and your baby.”

Sabi naman ni Aicelle, “Rits, Welcome to the club.

“Alam mo naman nandito lang ako, just a text away. Kukurutin pa rin kita sa singit.

“I’ll be your godmother, and we love you so much. You’ll be a great mother.”

Nagpasalamat din si Rita sa GMA 7 na magmula raw nung 10 years old siya ay nasa Kapuso network na siya, at baka hanggang sa meron na raw siyang 10-year-old child.

“‘Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,” sabi pa ni Rita.

Hindi ipinakilala ng singer/actress kung sino ang kanyang non-showbiz boyfriend na ama ng kanyang anak.

Pero ang nakakatawa, ang ibang fans daw ay si Ken Chan ang kinu-congratulate, dahil ang buong akala nila si Ken ang ama.

Okay naman daw sina Rita at Ken. Binati naman daw ng Kapuso actor ang dating ka-loveteam. Pero nandiyan pa rin ang tsismis na hindi sila okay, na meron silang tampuhan.

Sparkadas, kanya-kanya na

Purisigido ang mga taga-GMA 7 sa pagtuklas ng mga bagong mukha mula sa talents na ilulunsad ng Sparkle.

Sa rami ng mga sisimulan nilang shows, maraming venue na puwedeng gamitin ang mga kabataang ito. Kaya alam nilang mabibigyan sila ng magandang break.

Mula sa Sparkada ay mapapanood sila sa ilan sa mga bagong shows, kagaya nitong LUV IS: Caught in His Arms, na pagbibidahan nina Sofia Pablo and Allen Ansay.

Dito ipakilala ang Sparkle GMA Artist Center’s Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales and Tanya Ramos.

Kamakailan lang ay nakatsikahan sa me­diacon ang ilang taga-Sparkada na sina Caitlyn Stave, Kirsten Gonzales at ang anak ni Wendell Ramos na si Tanya Ramos.

Sabi ni Caitlyn, magkakaiba naman daw sila ng personality, kaya kampante silang mabibigyan ng magandang break ng GMA 7 at hindi sila threatened sa rami ng Sparkada na ilulunsad ng Kapuso network.

Ganundin ang pahayag ni Tanya dahil magkakaiba naman daw sila ng talent at personality.

Sa halip na ma-threaten, mas magpupursige raw silang ayusin ang kanilang trabaho.

“I actually see it as a motivation for me to know myself more, and actually learn more about what I can do.

“Instead of feeling threatened, I see it as a way na I can be more unique and we all have something to bring to the table,” pahayag ni Tanya.

Sa October pa mapapanood sa GMA 7 ang Luv Is: Caught in His Arms ng Kapuso at Wattpad WEBTOON Studios.

Show comments