Miel Pangilinan, nagladlad bilang miyembro ng LGBTQIA+

Miel Pangilinan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong June, nag-out na rin ang pangalawang anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Miel Pangilinan na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.

Seventeen years old pa lamang si Miel, at ngayon pa lang daw niya isi-celebrate sa publiko ang Pride month, bilang bahagi ng LGBTQIA+ community.

Bahagi ng mahaba niyang post sa caption ng kanyang Instagram post nung kamakalawa lang: “I really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and famil­y who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity.

“I know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. I’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity, and it only feels right that I post this at the point I’m in now where I’m comfortable enough in who I am and who I love and how I choose to present. it’s kind of a full circle moment for me, in a way.”

Tanggap na tanggap si Miel ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Isa nga sa nagbigay ng mensahe ng suporta ay si Judy Ann Santos, pati ang ate niyang si Frankie at mga pinsan niyang sina Kianna Valenciano at Gab Pangilinan.

LGBTQIA+ filmfest, tuluy-tuloy

Tuluy-tuloy pa rin ang PeliKULAYa 2022 na LGBTQIA+ Film Festival na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño.

Nagbukas ito nung nakaraang Biyernes, June 10, sa FDCP Cinematheque Centre Manila na kung sana ipinalabas ang opening film na Lingua Franca ni Isabel Sandoval.

Dinaluhan din namin ang launching ng librong Alternative Cinema: The Unchronicled History of Alternative Cinema in the Philippines ng multi-awarded filmmaker na si Nick Deocampo.

Ngayong araw ng Huwebes ay magkakaroon ng special screening ang pelikulang Boys Don’t Cry na gaganapin din sa Cinematheque at co-presented ito ng US Embassy sa ating bansa.

Ngayong gabi rin ang Gala night ng Set A ng PeliKULAYa: Short Film Competition sa Cinema 76 sa Anonas, QC.

Tampok dito ang short films na Mga Kuan ni Jermaine Tulbo, Cut/Off nina Von Victor Viernes at Sean Russel Romero, As If Nothing Happened ni JT Trinidad, Kubli ni Jam Navalta, at This is Not A Coming Out Story ni Mark Felix Ebreo.

Bukas naman ang Set B na We Were Strangers ni Patrick Pangan, Second Gear ni Christian Angelo Cruz, Kung Sa Diin ang Suba Tarabuan ni Seth Andrew Blanca, Baklaak ni Gabb Gantala, at Nang Maglublob Ako sa Isang Mangkok ng Liwanag ni Kukay Zinampan.

Rocco at Melissa, natupad ang wish na baby boy

Sinagot ni Rocco Nacino ang text ko sa kanya tungkol sa pagbubuntis ng asawa niyang si Melissa Gohing.

Talaga namang dininig ng Diyos ang dasal niyang baby boy ang maging panganay nila.

Sabi ni Rocco, nasa 22nd week na raw ngayon si Melissa at papasok na sa 3rd trimester. Okay na okay naman daw ang kanyang asawa, at inaalalayan niya ito.

Kinulit ko si Rocco kung may napili na ba silang ipapangalan sa baby, at kung sino na ang mga kinausap nilang mag-ninong at ninang. “May listahan na po kami, nasa research…. yes po, may mga kakausapin na po para maging ninong and ninong,” text ni Rocco sa akin.

Kinulit ko siya kung sino ang ilan sa mga kakausapin niya: “’Di po muna kuya hehehe!,” sagot niya pa.

Thankful lang sila na okay si Melissa at ang kanilang baby. Patuloy lang daw sila sa pagdarasal na safe lang si Melissa hanggang sa panganganak nito.

Show comments