^

PSN Showbiz

GMA, bongga ang magiging selebrasyon ng 72nd anniversary

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Katuwa naman na pupunta lahat ng GMA talents sa GMA Thanksgiving Gala dahil 72nd anniversary ng network.

Malaking affair dahil imagine mo na aabutin ng 72 years ang ngayon ay number 1 network ng Pilipinas.

Siguro ang daming memories na maalala lalo na ‘yung pioneers na nag-umpisa sa GMA 7.

Hanggang ngayon nga dahil sa sentimental reason hindi ginigiba ‘yung original building na mula’t sapul ay nandu’n na sa Edsa.

Siguro teary eyed ang mga unang nagtrabaho sa GMA 7, kung saan namulat at nahasa silang mabuti sa larangan ng TV at radio.

‘Kakatawa nga ang mga alaala mo noong fan ka pa lang nina Eddie Ilarde, Leila Benitez at Bobby Ledesma sa pantanghaling show ng GMA 7.

Noong umpisa nila Kuya Germs at mga alaga niyang young stars sa That’s Entertainment naging crowded ang part na iyon ng Edsa.

Happy memories na lagi na ay babalik-balikan ng lahat, congrats, GMA 7, wow, 72 years na, ang tagal na pero bongga pa rin.

Mr. Fu, kinilig-kilig kay Nikki Co

Martes na naman, Salve, at Take It! Take It! Me Ganon?! day na naman kahapon ng 12 to 1 ng tanghali.

Nagkaroon ng birthday celebration si Mr. Fu at puno siya ng mga baong blind items para sa followers namin.

Isa nga sa blind item niya ‘yung maghihiwalay na lovebirds na talagang mainit ngayon at la­ging nasa blind item ng showbiz columns pero hindi pinigilan daw maghiwalay.

At mga ganap sa nakaraang Mega Ball na hindi raw gaanong naging maningning.

Pero highlight ang pagdating kahapon sa TITIMG ng super crush ni Mr. Fu na si Nikki Co.

Bongga talaga dahil kinilig-kilig si Fu sa Kapuso actor na alam mong confident sa kanyang pagkalalaki dahil kahit anong biro ni Fu ay hindi na-concious.

Hahahaha. Happy birthday, Fu.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with